Chapter 23 - Enough

2747 Words

EVERYONE's busy and enjoying the party. Isa na roon ang kakambal ko na humiwalay sa akin nang makita ang mga kaklase niya na imbitado rin pala sa party na 'to. Tanging ako lang yata ang hindi nag-eenjoy ngayon. Nakahalukipkip at magkasalubong ang kilay habang nakaupo sa mahabang sofa, kasama ang mga iilan sa kaklase ko na imbitado rin sa gabing ito. Humiwalay sa amin ang mga Montealegre nang dumating ang babaeng nagngangalang Karla, kasama ang iba pang mga bisita. Napag-alaman kong ang mga 'yon pala ay kaklase ni Silent at si Curse ang nag-imbita sa mga ito para dumalo ngayong gabi. Dahilan niya ay puro hindi mga kakilala ni Silent ang mga bisita dahil karamihan sa mga ito ay nasa highschool pa lang, kaya nagtawag siya ng mga college student para hindi ma-out of place ang pinsan. Malali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD