PALIHIM na gumapang ang kamay ko sa bulsa ng palda ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan, sa likod at sa harapan. Nang makita kong abala ang subject teacher ko sa pagtingin sa librong hawak niya ay inilabas ko na ang phone mula sa bulsa ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may pinadalang mensahe sa akin si Silent. Silent: I'm here at the canteen. Muli ko munang sinulyapan ng tingin ang subject teacher ko at nang makitang abala pa rin siya, gamit ang isang kamay ay nagtipa ako ng isasagot kay Silent. Me: So? Wala pa man isang minuto ang lumilipas ay may dumating agad na bagong message galing kay Silent. Silent: Come out. Mahina akong napasinghal sa sinabi niya. He's so bossy! Hindi niya ba naisip na nasa klase pa ako? Nakakunot ang noo ko