Episode 18

2121 Words
Chapter 18 Malungkot na nakatunghay si Daisyree sa labi ni Mang Juanito habang si Aling Doray ay walang patid ang iyak nito. Masakit para kay Daisyree na mawalan ng minamahal sa buhay. Hindi niya alam paano harapin ang kinabukasan kasama ang kambal na ipinanganak niya dalawang linggo na ang nakalipas. Ililibing na si Mang Juanito at hindi nila alam ng kaniya ina-inahan kung paano na sila. Si Mang Juanito lang kasi ang may hanap buhay na siyang ginagamit nila pang-araw-araw. Ang inaasahan na lang nila ngayon ay ang mga gulayan na pananim ni Aling Doray. Nakilibing din si Ian at ang ina nito na si Aling welma. Lihim lamang na tumutulo ang mga luha ni Daisyree habang buhat-buhat niya ang kaniyang isang kambal niyang anak. Ang isa naman ay hawak ni Ian. Si Aling Welma naman ang umaalalay kay Aling Doray dahil baka mawalan ito ng malay. Ilang araw na rin na hindi kumakain sa tama si Aling Doray dahil sa pagkawala ni Mang Juanito. “Juanito, bakit mo naman ako iniwan? Paano na kami ngayon? Juanito, bumangon ka riyan! Hindi ka pwede mawala sa amin. Hindi mo pa nakikita ang mga apo natin na isinilang ng Prinsesa natin.” Humahagulgol na niyakap ni Aling Doray ang kabaong ni Mang Juanito. “Doray, magpakalakas ka dahil nariyan pa ang anak ninyo at mga apo,” pang-aalo ni Aling Welma kay Aling Doray. Lalo pang humiyaw sa iyak si Aling Doray nang dahan-dahan nang ilagay sa hukay ang kaniyang asawa. Mahigpit naman niyakap ni Daisyree ang kaniyang sanggol na babae na pinangalanan nilang Jerelyn at ang lalaki naman ay si Jake. “Paano na tayo ngayon mga, Anak? Hindi man lang kayo nasilayan ng Lolo ninyo,’’ iyak na wika ni Daisyree sa kaniyang mga anak. Masakita sa damdamin ni Daisyree na kasabay sa pagsilang sa kaniyang mga supling ay ang pagkalagot naman ng hininga ni Mang Juanito. Tanging si Aling Doray na lang ang nagpapalakas ng loob niya at ang mga anak niya na hindi niya alam kung sino ang ama. Gustuhin niya man humingi ng tulong kahit suporta man lang sa ama ng kaniyang mga anak subalit hindi niya naman alam kung sino ang kasintahan niya na sinasabi ni ng mag-asawa na nakabuntis sa kaniya. “Malalampasan mo rin ito, Princess. Lakasan mo ang loob mo dahil kailangan ka ng mga anak mo at ni Aling Doray,’’ wika ni Ian sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat. “Hindi ko alam kung paano, Ian. Hindi ko alam kung saan magsisimula na wala si Papa,’’ umiiyak na sagot ni Daisyree kay Ian. “Sa una lang mahirap. Pero huwag kang sumuko at lakasan moa ng loob mo,” payo ni Ian kay Daisyree. Pagkatapos ng libing ay hinatid na muna ni Ian sina Daisyree at Aling Doray sa bahay ng mga ito. Pinatulog na ni Daisyree ang dalawang kambal habang si Aling Doray ay nakayakap lang sa larawan ni Mang Juanito na nakatulala. Nang maihatid na ni Ian sina Daisyree ay bumalik na siya sa trabaho niya. Sinisimulan na kasing gawin ang subdivision na katabi lang sa lupain nila Mang Juanito at Aling Doray. Samantalang si Oliver ay hindi na naman natuloy ang pagpunta niya sa Meland dito sa Atiplo dahil hindi pa naman nasisimulan ang pagpapatayo ng mga bahay. Pero kailangan bago ipatayo ang mga bahay ay makapunta na siya para makaabang na ng linya sa kuryente at inaayos niya na ang mga dadalhin niya sa susunod na linggo at sigurado sa sunod na linggo ay matuloy na sila ni Penny. Bibitiwan na rin ni Penny ang apartment na iniwan sa kaniya ni Daisyree. Ang mga gamit ni Daisyree ay pinaiwan ng ina ni Penny sa kamag-anak nito. Hindi na nila alam kung saan si Daisyree at ang tangi na lang nilang masasabi ay kung talagang sumama ito sa dati nitong kasintahan ay hayaan na lamang nila kung saan ito masaya. Ngunit hanggang ngayon ay masama naman ang loob ni Oliver kay Daisyree. Gusto niya na rin kalimutan ang dalaga at magsimula ng panibagong buhay. At kung magkita man sila ni Daisyree ay iisipin na lamang niya na hindi niya ito kilala. Tama na ‘yong minsan ay binuhos niya ang kaniyang pagmamahal kay Daisyree at binaliwala lang ni Daisyree kahit noon pang nag-aaral sila. Nasa terrace si Penny at si Oliver naman ay nasa terrace din nito sa kaniyang apartment. Nag-uusap sila ni Penny na ang pader na kalahati lang ang pagitan nila. “Alam mo, Oliver? Nalulungkot ako kapag naiisip na iiwanan ko na ang apartment na ito. Maraming magagandang ala-ala na nabuo rito kasama si Daisyree,’’ malungkot na pahayag ni Penny kay Oliver. “Saan na kaya nagtago ‘yon si Daisyree? Hindi man lang siya tumawag sa akin. Alam mo nagtataka talaga ako. Baka mamaya tinatakot siya ni Chester, kaya kahit sa pamilya niya ay hindi siya tumatawag.” “Ang sabihin mo na ayaw niyang may nakakaalam kung saan sila ng lalaking iyon. Sana kung muli man magtagpo ang landas namin ay mawala na ang galit ko sa kaniya at ‘yong may bago ng tinitibok ang puso ko. Alam mo ipapakita ko sa kaniya na hindi siya kawalan sa akin. ‘Yong magsisisi siya na hindi niya tinanggap ang pagmamahal ko at ang lalaking iyon pa rin ang pinili niya,’’ galit na wika ni Oliver kay Penny. “Pero hindi pa rin ako makapaniwala na sasama si Daisyree kay Chester. Saka alam ko mahal ka ni Daisyree dahil sinabi niya iyon sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sumama siya kay Chester,’’ nagtatakang sabi ni Penny kay Oliver. Kilala niya kasi ang ugali ni Daisyree na hindi nito ipagpalit ang pamilya niya sa kahit sino man. Mahal ni Daisyree ang mga kapatid niya at nakita iyon ni Penny kung paano alagaan ni Daisyree ang mga kapatid nito. “Kung mahal niya ako hindi niya ako ipinagpalit sa lalaking iyon noon. Hindi siya nakipag-break sa akin sa cellphone noon kung mahal niya talaga ako. Alam mo huwag na natin siyang pag-usapan. Maghanda ka na dahil sa susunod na linggo tutuloy na talaga tayo pumunta sa Meland. Excited na iyon si Ian na pakasalan ka,’’ nakanginting sabi ni Oliver kay Penny. “Kahit nga ako excited rin. Hindi na rin ako makapaghintay na makita siya. Sige, matulog ka na at maaga ka pa bukas,” utos ni Penny kay Oliver. “Good night!’’ tipid lang na sabi ni Oliver at pumasok na siya sa loob. Lumipas ang isang linggo at hindi na alam ni Daisyree ang gagawin niya dahil may nakitaan siya sa pag-iba ng ugali ng kaniyang ina. Lagi itong katulala at kinakausap ang larawan ni Mang Juanito. “Juanito, tulungan mo ako bukas magdilig ng mga gulayan, ha? Huwag ka muna magbyahe dahil maglalaro tayo kasama ng mga apo natin. ‘Di ba, ang guwapo ng mga apo natin?” wika ni Aling Doray sa larawan ni Mang Juanito. “Nay, itigil niyo na iyan. Alam mo naman na wala na si Tatay. Paano na lang ako kapag mawala ka pa sa amin? Tapos hindi ka na naman kumain kanina dahil hinihintay mo si Tatay,’’ naiiyak na saway ni Daisyree sa kaniyang ina-inahan. “Ano baa ng pinagsasabi mo, Anak? Mamaya darating ang tatay mo at tiyak na may dala na naman iyong puto para sa’yo at sa mga apo namin,’’ nakangiting sagot ni Aling Doray kay Daisyree. “Nay, patay na si Tatay! Tanggapin na natin ‘yong katutuhanan na iniwan niya na tayo! Paano ako makakahanap ng trabaho kung hindi ninyo kayang tanggapin na wala na si Tatay? Paano ko maiwan sa inyo ang mga anak ko?” Umiyak na si Daisyree dahil hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya. Tumawa naman si Aling Doray at maya-maya ay umiyak. Tawa at iyak ang ginagawa niya buong maghapon. Gusto sana ni Daisyree na gumawa ng kakaini o kahit ulam at ibinta sa mga nagta-trabaho sa subdivision upang may pagkakitaan sila. Subalit hindi niya rin maiwan ang kaniyang mga anak dahil dumedede ito sa kaniya. At lalong hindi naman niya maasahan si Aling Doray dahil parang nababaliw na ito. Samantalang si Oliver at Penny ay dumating na at tumuloy sila sa Atiplo. Sinundo rin sila ni Ian sa airport sa Meland. May pansamantalang baraks si Ian sa Atiplo at sa isang linggo ay dalawang beses lang siya pumupunta sa site. Hindi lang kasi siya isang architect kundi isa rin siyang engineer sa proyektong iyon. “Ipapasyal ko muna kayo sa site. Tapos mamaya babalik na lang tayo sa bahay namin sa Meland,’’ wika ni Ian sa dalawa kay Penny at Oliver habang nagmamaneho ng sasakyan. “Sige, Bro. Kailan ba ang kasal ninyo ni Penny?’’ tanong ni Oliver sa pagod na boses. “Gusto ko nga bukas na, eh! Kaso marami pa kaming asikasuhin ni Penny na mga papeles. Kaya, baka sa sunod na buwan na dahil ayos na rin ang gown niya at iba pang mga dapat kailanganin. May simenar pa raw kasi kami,’’ sagot ni Ian at matamis na ngumiti kay Penny. “Kung pwede nga lang sa sunod na taon na lang, eh! Kaso nagmamadali itong kaibigan mo,” nakangiti namang sabi ni Penny kay Oliver at tumingin kay Ian na malawak ang pagkakangiti. “Hahaha… Syempre ayaw ko na maagaw ka pa ng iba sa akin. Mahirap na at baka iwanan mo pa ako bigla,’’ banat naman ni Ian kay Penny. “Mapapa-sana all na lang ako, eh! Ako, kailan ko kaya makita ang itinadhana para sa akin? Kapag nakita ko na ang para sa akin hindi ko na talaga pakakawalan. Ayos kasi ang kaibigan ni Penny, eh! Walang isang salita,’’ maktol ni Oliver sa dalawa. “Alam mo, pinagtagpo lang kayo ni Daisyree, pero hindi kayo itinadhana,’’ natatawang sabi ni Penny. Saglit lang na ngumiti si Oliver at napasimangot na rin. Malapit na sila dumating sa Kawayan at nasa Atiplo City na sila. Pumarada si Ian sa isang mall at bumama na sila. “May bibilhin ka, Bro?’’ tanong ni Oliver sa kaniyang kaibigan. “Oo, mamili lang ako ng mga groceries at mga gamit para doon sa mag-ina,’’ sagot ni Ian kay Oliver. Tumuloy na sila sa loob at namili na si Ian ng mga groceries at damit ng mga bata. Isang dosenang damit panlalaki at isang dosenang damit panlalaki. May mga diapers at shampoo rin ng mga bata siyang binili at mga iba pang kakailangan ng kambal no Daisyree. “Hon, bakit mga damit pambata ‘yang pinamili mo? Huwag mo sabihin sa akin na may inanakan ka?’’ nakakunot na noo na tanong ni Penny kay Ian. “Para ito sa kambal na anak ni Princess, Hon. ‘Yong mama ni Princess na si Aling Doray ay kaibigan ni Mama at sila ang may-ari ng lupa na katabi ng lupa namin noon a ginagawa ng subdivision. Kamamatay lang kasi noong tatay ni Princess. Eh, naawa naman ako sa kanila dahil wala naman silang sapat na pinagkakakitaan kundi ang mga gulayan lang nila,” paliwanag ni Ian kay Penny. “Bakit wala bang tatay ‘yong anak ni Princess? Oh, baka ikaw ‘yong tatay at tinatago mo lang?’’ pagbibiro namang sabi ni Oliver. Wala siyang kamalay-malay na malapit na siya sa kinaroroonan ni Daisyree at sa mga anak niya. “Sira ulo! Ano ang akala mo sa akin? Balita ko inanakan lang yata iyon at iniwan. Kung gusto niyo sumama kayo mamaya sa akin para makilala niyo siya,’’ wika naman ni Ian sa dalawa. “Inaantok ako, Hon. Isa pa pagod ako sa byahe, kaya naghahanap na ang likod ko ng higaan,’’ tanggi naman ni Penny kay Ian. “Maglilibot din ako sa site. Magpapahinga lang ako ng kaunti, kaya ikaw na lang basta huwag ka magtagal doon,’’ turan naman ni Oliver. “’Eh, baka mamaya pagdudahan niyo pa ako. Maganda ‘yong ipakilala ko kayo kay Princess,” wika ni Ian at kinuha ang naka-display na isang set ng lotion para sa mga sanggol. “Ikaw talaga hindi mabiro. Malaki naman ang tiwala ko sa’yo. Sa susunod mo na lang kami ipakilala ni Oliver para may pasyalan ako kapag namasyal ako rito at hindi ako ma-boring,’’ sagot ni Penny sa nobyo. Kibit balikat lang si Ian sa sinabi ni Penny. Pagkatapos nilang mamili ay dumiretso na sila sa site. Bagsak na nahiga si Penny sa baraks ni Ian. Si Oliver naman ay sa kabilang baraks nahiga na katabi lang ng baraks ni Ian. Pinagawa talaga iyon ni Ian para kay Oliver. Si Oliver naman ay inihatid na ang pinamili para kay Princess at sa kambal pati na rin ang para kay Aling Doray. Naawa kasi si Ian sa setwasyon nila Aling Doray at Princess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD