Chapter 9
Kinabukasan ay magang-maga ang mata ni Daisyree. Buong gabi kasi siya na umiyak kakaisip sa narinig niya kagabi. Nasa isip niya kung sinadya ba talaga ni Oliver na iparinig iyon sa kaniya para ipamukha sa kaniya na hindi lang siya ang babae sa mundo.
Pilit na lamang niya pinapatatag ang kaniyang sarili at hindi nagpapahalata na apiktado siya sa narinig niya sa kabilang apartment.
Hanggang lumipas pa ang mga araw ay iniiwasan niya ang mga tingin ni Oliver sa kaniya kapag nakikita siya nito sa labas ng apartment. Isang araw habang wala siyang pasok ay binabantayan niya si Jasper sa harap ng kanilang apartment na naglalaro. Hindi niya akalain na wala rin pa lang pasok si Oliver at nakatanaw ang binata sa kanila.
‘’Hi, Tito Oliver! Laro tayo!’’ sigaw ni Jasper sa binate.
Tumingin si Daisyree sa bandang teres ni Oliver at nakita niyang nakatunghay ang binata sa kanilang dalawa ni Jasper. Kumaway lang si Oliver kay Jasper at nagkatitigan sila ni Daisyree. Ngunit inirapan lang siya ni Daisyree. Ilang araw na rin na hindi sila nag-uusap ng dalaga.
Maya pa ay lumabas ang babae na si Cindy. “Hi, Babe. Gusto mo ba na ipagtimpla kita ng kape?’’ lambing ni Cindy kay Oliver at yumapos ito ng yakap sa beywang ni Oliver. Nakita iyon ni Daisyree, kaya napataas siya ng kilay.
‘’Jasper, hali ka na paliguan na kita. Para matanggal ang dumi sa katawan mo,’’ wika ni Daisyree sa bata. Hinila niya na ang bata papasok sa loob dahil ayaw niya na masaksihan ni Jasper na may naglalambitin na babae kay Oliver.
Lumipas pa ang isang linggo ay dumating na ang Mama ni Diasyree. Kasama ang foreigner nitong asawa.
‘’Nako, ang laki na ng mga kapatid mo, Anak,’’ wika ng ina ni Daisyree sa kaniya.
Ngiti lang ang naging tugon ni Daisyree sa kaniyang ina. Habang ang mga kapatid niya at excited sa pasalubong na laruan ng kanilang ina sa kanila.
‘’Anak, hindi ka ba sasama sa Amerika?’’ Atleast roon puwede ka mag-aral ulit at magkaroon ng magandang trabaho,’’ wika ng kaniyang ina sa kaniya.
‘’Ma, Susunod na lang ako sa inyo. Isa pa maganda naman ang trabaho ko rito. Saka kapag hinintay niyo pa ako matatagalan kayo sa pagbalik niyo sa Amerika dahil wala pa akong visa, kaya kapag nakabalik na lang kayo saka ako susunod sa inyo,’’ wika niya sa kaniyang ina.
‘’O, sige. Basta sigurado k aba na okay ka lang dito?’’ paninigurado ng kaniyang ina sa kaniya.
Tumango lang siya sa kaniyang ina. Hanggang sa sumapit ang araw na aalis na ang kaniyang mga kapatid at ina papunta sa Amerika. Ang mga kapatid naman niya ay nagpaalam na rin kay Oliver kagabi pa. Ngunit si Peny na ang nakipag-usap kagabi kay Oliver. At si Cindy naman ay bumalik na sa Meland at tinapos na rin ni Oliver ang ugnayan niya kay Cindy.
Habang nasa airport sila Daisyree at Peny ay panay naman ang agos ng mga luha nilang dalawa dahil ilang minuto na lang ay papasok na ang mga kapatid niya at ang ina nila sa loob ng airport.
‘’Magpakabait kayo roon, ha? Jeperson huwag mong pabayaan ang mga kapatid natin lalo na si Jasper. Kayong apat huwag kayo magpasaway kay Mama, ha?’’ wika niya sa dalawa niyang kapatid na babae at lalaki.
‘’Opo, ate. Mami-miss ka namin,’’ wika ni Cristine sa kaniya.
‘’Sumama ka na kasi sa amin, Ate,’’ wika naman ni Joana sa kaniya.
‘’Mama, ayaw ko sumama. Gusto ko sama sa’yo,’’ iyak na wika ni Jasper sa kaniya. Halos siya na kasi ang nagpalaki kay Jasper at siya na ang kinikilalang ina nito.
‘’Susunod si Mama. Promise kapag okay na ang visa ko susunod ako sa inyo,’’ ani Daisyree at pinalis ang masaganang luha na pumatak sa kaniyang mga mata.
‘’Sige na mga anak. Sasakay na tayo sa eroplano. Daisyree, aasikasuhin ko ang papelis mo ipangako mo na susunod ka sa amin, ha?’’ wika ng kaniyang ina at yumakap ito sa kaniya.
‘’Opo, Ma. Ingatan niyo po ang mga kapatid ko,’’ bilin niya sa kaniyang ina. Si Penny naman ay isa-isang niyakap ang kaniyang mga alaga.
Nagpaalam din si Daisyree sa kanilang step father. Mabait rin ito at nakitaan niya naman na mahal nito ang kaniyang ina at nangako naman ito na ituturi nito na tunay na anak silang magkakapatid.
Nang tumalikod na ang mga bata ay at ina ni Daisyree pati ang step father nila ay panay naman ang agos ng kaniyang mga luha. Si Penny na lamang ang nagpapakalma sa kaniya.
‘’Hoy, tahan na. Makikita mo naman sila, eh!’’ wika ni Penny sa kaniya na umiiyak rin.
‘’Ang sakit na mawalay sa kanila Penny. Sana pumayag na lang pala ako noong sinabi ni Mama na dadalhin niya kami sa Amerika. E ‘di, sana kasama ko silang lahat,’’ iyak niyang sabi kay Penny.
‘’Eh, paano naman ako? Pero mag-apply na rin ako ng ibang trabaho dahil wala na ang mga alaga ko,’’ wika ni Penny sa kaniya.
Mag-apply ka na lang sa mall na pinagta-trabahuhan ko. Tara na umuwi na tayo,’’ yaya niya kay Penny.
Sumakay na sila sa taxi at nagpahatid sa apartment niya. Pagbaba nila sa sasakyan ay sakto naman ang palabas ni Oliver sa Apartment nito.
Nagkatinginan silang dalawa ni Daisyree. ‘’Ehem! Mauna na akong papasok sa loob. Hi, Oliver,’’ bati ni Penny kay Oliver bago ito tuluyang pumasok sa loob. Binawi ni Daisyree ang tingin niya kay Oliver at humakbang papasok sa pinto nang tinawag siya ni Oliver.
‘’Dais, puwede ba kitang makausap?’’ tanong ni Oliver kay Daisyree.
‘’May dapat ba tayong pag-usapan?’’ masungit na tanong ni Daisyree sa binata.
‘’Marami!’’ diin na sagot ni Oliver sa kaniya.
‘’Pasensya na, pero wala akong oras makipag-usap sa walang kuwentang usapan,’’ masungit niyang sagot kay Oliver at tuluyan nang pumasok sa loob. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya kay Oliver.
Nang makapasok siya sa loob ay hindi niya alam na nakikinig pala sa pintuan si Penny. Kaya, nang pumasok siya ay tinaasan siya nito ng kilay.
‘’Ikaw ano baa ng gusto mo? Bakit ayaw mo kausapin ang tao?’’ tanong ni Penny sa kaniya.
‘’Kausapin mo kung gusto mo. Baka mamaya makita pa kami ng girlfriend niya na nag-uusap at baka iskandaluhin pa ako rito,’’ wika niya kay Penny at umakyat sa itaas.
Pumasok siya sa kaniyang silid at nagbihis at humiga sa kama. Namiss niya na kaagad ang mga kapatid niya, kaya naiiyak na naman siya. Pero inisip niya na lang na para rin iyon sa kapakanan ng kaniyang mga kapatid at maganda ang opurtunidad na naghihintay sa mga ito roon.
Habang umiiyak siya ay may kumatok sa kaniyang pinto. Pinalis niya muna ang kaniyang mga luha at bumangon. Akala niya ay si Penny. Ngunit pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya si Oliver. May dala itong tatlong rosas para sa kaniya. Nagulat siya dahil hindi niya akalain na pinaakyat ni Penny rito ang binata.
‘’Anong ginagawa mo rito?’’ salubong ang kilay niyang tanong kay Oliver.
‘’Gusto kitang makausap, kaya humakbang ako riyan sa teres,’’ seryosong wika ng binata sa kaniya.
‘’Trespassing ka, alam mo ba ‘yon?’’ mataas na boses niyang sabi sa binata.
‘’Alam ko! Gusto kitang kausapin tapos ayaw mo naman ako kausapin. E ‘di akyatin na lang kita para makausap ka ng sarilinan,’’ wika ni Oliver sa kaniya.
‘’At bakit pa tayo mag-uusap? Mamaya sugurin ako ng nobya mo rito, ayaw ko ng gulo!’’ inis niyang wika kay Oliver.
‘’Wala naman akong nobya, unless kung sasagutin mo ako ngayon,’’ pilyong ngiti na sabi ni Oliver sa kaniya.
‘’Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng brgy!’’ banta ni Daisyree kay Oliver.
‘’Okay, lang hintayin ko na lang ang brgy rito,’’ pagmamatigas ni Oliver kay Daisyree.
‘Di kalaunan ay sumuko na rin si Daisyree sa binate dahil alam niya na hindi siya titigilan ng binata.
‘’Maupo ka riyan sa sofa,’’ utos niya kay Oliver. May Sofa roon sa itaas malapit sa may teres. Nakangiting umupo si Oliver sa sofa at sumunod na rin si Daisyree.
Ibinigay ni Oliver ang tatlong rosas sa kaniya at tinanggap niya naman iyon.
‘’Ano ang pag-uusapan natin?’’ tanong niya sa binata.
‘’Tungkol sa atin, gusto kong pakasalan ka,’’ wika nito sa dalaga. Natawa ng pagak si Daisyree dahil akala niya ay nagbibiro si Oliver.
‘’Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo bumalik ka na roon sa apartment mo at baka naghihintay na roon ang nobya mo na kung makaungol wagas!’’ walang preno niyang sabi kay Oliver.
‘’Bumalik na siya sa Meland at hindi ko na siya nobya,’’ wika ni Oliver sa kaniya.
‘’So, ano ngayon?’’ mataray na tanong ni Daisyree sa binate.
‘’I’m sorry kung nasaktan ko ang kalooban mo. Daisyree, seryoso ako handa kitang pakasalan sagutin mo lang ako,’’ seryosong wika ni Oliver sa kaniya.
‘’Oliver, hindi ganoon kadali ang gusto mo. Hindi iyan pagkain na kung ayaw mo na ay iluwa mo na lang,’’ wika niya kay Oliver.
‘’Hindi ka naman pagkain na iluluwa ko. Mahal kita Daisyree at hindi nagbago iyon,’’ seryosong wika ni Oliver kay Daisyree.
‘’Mahal mo ako, pero nagawa mo pa rin magpatira ng babae sa apartment mo. Sinadya mo ba iyon para ipamukha sa akin na kaya mo makipagharutan sa ibang babae?’’
‘’Hindi sa ganoon. Galing si Cindy sa Meland. Wala siyang matirhan dito, kaya nagpumilit siya at nakiusap sa akin na kung puwede sa apartment ko muna siya. Pumayag naman ako dahil pinsan niya ang kaibigan ko at pinagsamahan din kami,’’ wika ni Oliver.
‘’Ha! Pumayag ka para may kasiping ka gano’n yon!’’ simangot na wika ni Daisyree kay Oliver.
‘’Alam ko na nadala ako sa tukso. Pero pangako hindi na maulit iyon. Pumayag ka na magpakasal sa akin, Daisyree,’’ pagsusumamo ni Oliver sa dalaga.
‘’Hindi pa ako handa lumagay sa buhay may asawa, Oliver. Ayaw kong magpadalos-dalos tayo dahil ayaw kong pareho natin pagsisihan ang lahat. Hintayin natin ang tamang panahon na handa na tayo pareho lumagay sa buhay may asawa,’’ wika niya kay Oliver.
‘’Handa na ako, Daisyree. Pero kung hindi ka pa handa hihintayin kita. Pero kung maari sana habang hinihintay ko ang araw na handa ka na magpakasal sa akin ay sagutin mo ulit ang pag-ibig ko, sa’yo,’’ wika ni Oliver sa kaniya.
‘’Oliver, bigyan mo ako ng kaunting panahon na makapag-isip. Marami akong iniisip at ayaw ko na maging sagabal iyon sa ating dalawa. Gusto ko kapag sinagot na kita ay malinaw na ang pag-iisip ko. Baka susunod din ako sa mga kapatid ko sa Amerika. Kaya, pag-isipan ko muna ang alok mo sa akin na pagmamahal,’’ ani Daisyree sa binata.
Malalim na nagbuntong hininga si Oliver bago ito sumagot sa sinabi niya.
‘’Sige, rerespituhin ko ang desisyon mo, aalis na ako. Thank you sa oras na ibinigay mo sa akin,’’ matamlay na paalam ni Oliver sa kaniya. Tumayo na ito at bumaba sa may hagdan.
Naguguluhan si Daisyree sa nangyayari ngayon. Ayaw niya kasi na kapag sinagot niya si Oliver ay iiwan niya rin ito kung pupunta siya sa Amerika. Gusto niya pag-isipan ang lahat ng bagay dahil ayaw niya na magkamali ulit sa padalos-dalos na desisyon sa isang relasyon na pagsisihan niya na naman bandang huli.