Ep. 5

1901 Words
NAGISING si Savannah sa sobrang lamig. Kaya naman pala ay wala siyang saplot sa katawan. Mabilis siyang bumangon subalit napangiwi sa matinding kirot na nararamdaman. Pagbaling niya sa kanyang tabi ay hubad na lalaki ang naroroon. Agad na nakaramdam siya ng takot ng maisip ang mabait na amo. Pinilit niyang bumangon dahil nakikita na niya sa bahagyang nakabukas na kurtina ang liwanag. At kahit panay ang ngiwi niya sa kirot na nagmula sa pa gitnang bahagi ng katawan. Hinagilap ang kanyang damit at may Pagmamadali ang kilos na isinuot agad iyon. Tumakbo na agad siya upang simulan ang kanyang gawain. Pagdating sa pinakamababang hagdan nakasalubong niya si Manang Lourdes. “Savannah, halika at ituturo ko sayo stockroom. Naroon lahat ng kailangan sa bawat kwarto na lilinisin mo.” “Opo, Manang Lourdes.” sumunod siya dito at kahit napapaluha sa kirot na nararamdaman. Sinikap na walang mahalata ang ginang. Isang pintuan ang binuksan, malawak ang loob at puro istante ang naroon. “Ang lahat ng ito ay para sa kama, tapos ang mga nasa gitnang bahagi ay gamit sa paliligo. Nariyan ang tuwalya, bathrobe…” “Ano po yung bathrobe, Manang Lourdes?” “Heto iyon, pag natapos maligo ang isang tao ay ito ang sinusuot. Kaya laging meron nito at siguraduhin mong araw-araw bagong palit.” “Kahit hindi po nagamit ay papalitan?” “Oo, Lahat ng gamit sa loob ng banyo at kwarto araw-araw mong papalitan mo.” “Opo, Mang Lourdes.” “Naririto naman ang mga shampoo at lahat ng gamit sa paliligo. Doon naman sa kabilang istante ay ang mga tisyu. Meron iba’t-ibang klase. Ang paikot na yon ay para sa tabi ng toilet. Ang pakwadrado ay para sa kamay. At itong naka box ay para sa mukha. Pero bihira lang silang gumamit ng mga yan. Laging maliit na tuwalya ang ginamit nila. Tandaan mo lahat ng tinuturo ko sayo, Savannah.” “Lagi ko pong tatandaan lahat ng turo mo sa akin, maraming salamat po.” “Go! Magsimula ka ng maglinis, unahin mo ang kay Master Levi. Ang silid na nasa tabi mo.” “Opo, Manang Lourdes.” Levi pala ang pangalan ng may ari ng silid na katabi niya. Ang lalaking anak ni Senyora Aaliyah. Nagsimula na si Savannah sa paglilinis. Binilisan niya dahil narinig niyang naroon sa mansyon ang anak ng kanyang amo. Sa relong pambising ni Savannah ay ala-syete pa lang ng umaga. Kailangan isang oras lang matapos na niya ang ginagawa. Sinimulan niya sa loob ng banyo, lahat ng kasuloksulukan ay kanyang nilinis. Ang Jacuzzi pagkatapos linisin ay nilagyan niya ng tubig. Kinabisado niya ang mga pangalan ng gamit sa loob ng silid. Nang matapos ay lumabas siya at inalis ang kubre kama, punda at kumot. Nag-vacuum siya kahit wala naman alikabok. Basta lahat ng bilin ni Manang Lourdes ay ginawa niya. Pagkatapos ay linisin ang silid ay bumaba siya at kumuha ng pamalit. Dala ang cart isa-isang dinampot sa loob ng stock room ang mga kailangan. Pagkatapos ay muling umakyat sa silid. Iksatong isang oras ay natapos niya ang ginagawa. Bago lumabas ay muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng banyo at buong silid. Pagbukas niya ng pinto ay nabunggo siya sa isang tao. Agad na nagyuko ng ulo bilang paghingi ng paumanhin. “F*ck! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan ng hindi mo ako nabubunggo!” agad na gumilid siya ng tayo at binigyan daan ang lalaki. Pagkatapos ay humakbang na siya palabas. “Stop! Halika dito at may ipapagawa ako sayo!” kinabahan si Savannah ng marealize kung sino ang lalaking may ari ng silid. “N-Naririto na po ako sir.” “Tumuwid ka ng tayo at humarap sa akin ng maayos. Ayaw kong nakikipag-usap ka sa akin ng nakayuko!” agad na tumuwid ng tayo at tinaas ang mukha ni Savannah. “You!” gulat na gulat si Levi ng mamukhaan ang babaeng kaharap. Walang iba kundi ang nakaulayaw niya kagabi lang. At habang pinagmamasdan ang mukha nito ay muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Subalit naghihintay ang kapatid na si Luke, at kapag hindi agad siya dumating ay siguradong sermon na naman ang aabutin niya. “I-Ikaw po p-pala…” naputol ang sasabihin ni Savannah ng biglang hilahin siya ni Levi. “S-Sir saan mo po ako dadalhin?” nilukuban ng takot si Savannah. Masakit pa ang gitna niya baka kung ano na naman ang gawin sa kanya nito. “Stay!” “H-Hindi po kita maintindihan, sir.” “Whatever! Here, kunin mo ito, bayad iyan sa ginawa natin kagabi. Kaya wala kang pagsasabihan na kahit sino or else parurusahan kita! At hindi mo magugustuhan ang maaaring gawin ko sayo. Kaya sundin mo lahat ng sinasabi ko!” “O-Opo sir.” nanginginig sa takot si Savannah, lalo at nakikita niyang naggagalawan ang panga nito. Ang laki pa naman ng katawan. At kahit matangkad na siya ay halos hanggang dibdib lang siya nito. “Simula ngayon, kapag naririto ako sa mansyon dapat ready ka.” “A-Ano po yon sir?” “Sabi ko kapag gusto kong sumiping sayo dapat lagi kang mabango, naintindihan mo?” “O-Opo sir.” “Go!” sabay tulak sa kanya nito palabas ng silid. Kaya nagkukumahog sa paghakbang si Savannah. “Hija, bakit ganyan ang ayos mo?” nagulat pa siya ng marinig ang boses ng senyora. Agad siyang umayos ng tayo at sinikap na ngumiti ng normal. Hindi maaaring malaman ng amo ang ugnayan nila ng anak nito. “S-Senyora, magandang umaga po.” ahm… medyo hindi lang po ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro po naninibago lamang ako sa silid ko.” “I see, halika at sabayan mo akong mag-almusal.” “Naku! Nakakahiya naman po, senyora…” napahinto sa pagsasalita si Savannah ng mapansing nakatingin sa likuran niya ang amo. Agad na kinabahan si Savannah. “Good morning mommy, bakit maaga ka yatang nagising?” mabilis na dumistansya si Savannah sa kinatatayuan ng senyora ng yumakap dito ang anak nito. “Anong maganda sa umaga, Levi? Kung sino-sinong babae na lang ang nagpupunta dito at hinahanap ka!” “Ano kaba naman mommy ko. Huwag mo na yon pagpapansinin, wala lang ang mga babaeng yon.” “Subukan mo lang mag-uwi ng anak dito malilintikan ka sa akin!” “I love you, mommy ko. Ahm… aalis pala ako at naghihintay na si Kuya Luke.” “Aalis ka? Isang buwan kang wala at kauuwi mo lang tapos ngayon paalis na naman?” “Trabaho ito, mommy ko.” ani pa ni Levi sa ina habang nakangiti dito. “Ahm… Hija, si Levi pala ang anak ko. Kapag may pinapagawa siya sayo. Kahit anong inuutos huwag mong susundin. Sabihin mo agad sa akin, okay?” “O-Opo, Senyora Aaliyah.” subalit ng sulyapan niya si Levi ay agad siyang napayuko. Matalim ang titig nito sa kanya. Kaya mabilis na ikinuble ang magkabilang kamay sa likurang bahagi ng katawan. Baka makita ng senyora ang panginginig niyon. “Savannah, halika na sabayan mo akong kumain.” “Ako, ayaw mong kasabay mommy ko?” tanong pa ni Levi ina habang nananatili ang ngiti sa labi. “Akala ko ba nagmamadali ka sabi mo naghihintay sayo ang iyong Kuya Luke?” “Opo, pero na mis skitang kasalo, sabi mo nga isang buwan akong nawala. Sigurado miss mo rin ako, mommy ko?” “Kung ganun halika na, Savannah.” atubili siyang sumama pero hinila siya ng senyora. At habang naglalakad sila ay hindi mapigilan pagmasdan sa likuran si Sir Levi. Grabe ang gwapo, tama ang Senyor Nikolai. Mana nga dito ang anak nito at siguro ganun din ang iba pa. Pagdating nila sa hapag kainan ay naroon si Senyor Nikolai. “Son, kumusta ang mabuti na isipan mong umuwi?” “Na miss ko po kayo ni Mommy.” malakas na tumawa ang senyor. At hindi mapigilan ni Savannah makaramdam ng inggit. Kahit minsan hindi niya naranasan ang ganito sa kanyang mga magulang. “Savannah, nakita mo na nag anak ko ‘di ba gwapo din na katulad ko?” “Tama po, senyor.” nakangiting sagot niya dito. Bago mabilis na nag yuko ng ulo ng makitang nakakunot noo sa kanya si Sir Levi. Habang kumakain ay pigil na pigil si Savannah, hindi siya marunong gumamit ng kutsara. Kaya tanging tinidor ang ginagamit niya. At ang kinakain lamang niya yung makukuha ng tinidor. “Hija, magkamay ka na lang upang maayos kang makakain.” “O-Opo, senyora.” tumayo siya at nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay. Pagkatapos ay agad na bumalik sa upuan. Sa simula ay dahan dahan pa siya sa pagkain. Ngunit hindi niya nakayanan at tila nakalimutan na naman ang paligid. Sunod sunod siyang sumbo at lahat ng pagkain na naroon ay kanyang tinikman. “Anak, tapos ka ng kumain?” napahinto sa pagkain si Savannah ng marinig ang boses ng senyora. Pagtingin niya sa pwesto ni Levi ay masama ang tingin nito sa kanya. “Nawalan ako ng gana, bakit ba sinabay nyo pa sa pagkain natin ang babaeng yan? Saan mo pala siya nakuha mommy at kahit simpleng paggamit ng kutsara at tinidor ay hindi niya alam. Kahit ang simpleng english ay ‘di rin niya naiintindihan? Baka mamaya kung ano-anong nilalagay niya sa kwarto ko lalo na sa jacuzzi?” “Levi, stop!” “Bakit ba katulad niya ang tinanggap mong katulong dito sa mansyon. Ang daming may mga pinag aralan at maayos na makukuha sa agency. Bakit siya na parang patay gutom!” napaiyak na si Savannah, at bago pa tumulo ang luha ay tumakbo na siya palabas ng dining room. Ngunit hindi pa man lang siya nakakalayo ay humarang sa kanya ang dalawang kasamahan. “Ambisyosa ka kasi, ayan napapala mo, huh!” nag yuko na lang si Savannah ng ulo, bago nagpatuloy sa paghakbang. Ngunit biglang may paa na humarang sa paghakbang niya kaya natalisod siya at bumagsak sa sahig. “Sa susunod ilagay mo ang iyong sarili sa lugar! Huwag kang feeling amo dito sa mansyon!” pagkatapos ay malakas siyang sinipa ng isa. “Ouch!” napalingon si Savannah ng marinig ang boses na tila nasaktan. At nagtaka siya kung bakit nakahawak sa tiyan nito si Elsa. “Anong ginawa mo kay Elsa?” matigas ang boses ni Sir Levi, habang masama ang tingin sa kanya. “W-Wala po akong ginawa, sir Levi.” bago dahan dahang tumayo. Naalala niya na ayaw ni Sir Levi, nakikipag-usap siya ng hindi nakatayo ng maayos. “Shut up! Anong ginawa niya sayo, Elsa?” “Master Levi, nadapa siya kaya tutulungan ko sana pero sinipa niya ako sa tiyan.” “H-Hindi po totoo yon, sir Levi…” “I said shut up!” napayuko na lang si Savannah at hindi na sumagot. Ngunit malakas siyang hinawakan sa braso at hinila. Dinala siya sa isang pintuan at pinasok doon. At halos mapa subsob si Savannah sa lakas ng tulak. “Wala kang karapatan manakit ng kahit sino! Sa akala mo ba dahil paborito ka ni Mommy ay palalampasin ko ang mga ginawa mo?” “P-Pero wala po akong ginawang…” “Don’t talk! Makinig kang mabuti, once na malaman ko na may sinaktan ka na naman ditong kapwa mo kasambahay. Pagsisisihan mo hindi lang yan ang aabutin mo sa akin!” kahit gustong sumagot ni Savannah ay piniling manahimik na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD