IT HAS been three hours since the party had started, but Rose Ann's smile never faltered even once. Another visitor came by the door and she greeted him as customary for a hostess. Wearing six inches high-heeled stilettos was already a part of her daily life. Kahit nasa bahay lang siya ay magara pa rin ang kanyang kasuotan.
Sa malawak na bakuran ng mga Romero ginanap ang kasiyahan. Mayayaman, pulitiko at mga may sinasabi at mababangong pangalan lamang sa industriya ang mga bisita. Isa na namang charity ball ang inihanda ni Don Joaquin sa gabing ito.
Ang bawat pangkagamitang pagkain ay mamahalin. Maging ang mga upuan at mesang nababalutan ng mga puting tela ay pinasadya pa para lamang sa isang gabing ito. Ang bawat bisitang babae ay pagarahan ng mga evening gowns at alahas. Ang mga lalaki ay paningningan ng mga tuxedos. Ang lahat sa kasiyahang ito ay sumisigaw ng mamahalin.
“Come here, hija, I want you to meet this man here.” Don Joaquin called out.
As always, Rose Ann gave them her smile and shook hands with them as Don Joaquin introduced each of them to her. Everyone who met her gasped at the sight of her beauty, but that was nothing new to her.
Kung noon ay natutuwa siya sa mga ganoong reaksiyon, ngayon ay halos isuka na niya ang mga iyon. Pero pinanatili pa rin niya ang pagiging huwaran. That was the number one rule in the society she belonged to; smile and be polite as far as it needed be. In the society she was living in, everyone treated everyone as friends, and nobody wanted to be excluded in the circle of the so-called famous and wealthy people.
THE party ended. Rose Ann finally breathed in with a more relaxed face. She could picture herself throwing herself to the bed without minding a single scrutinizing grunt from her stepfather. Pumasok siya sa sariling silid, kasunod ang kanyang personal na katulong upang daluhan ang kanyang mga paa at masahehin.
“Oh, god! Right there is the spot. Rub it a little harder. That feels really good.” ani Rose Ann sa katulong nang mahaplos nito kanyang paa.
Napabalikwas siya ng upo nang basta na lang bumukas ang pinto sa kanyang silid nang walang pakundangan at bumungad doon ang ka-isa-isang tao na ayaw niya sanang makita.
“Rose Ann.” She cringed at the voice and smile her stepfather did.
Rose Ann looked at her maid and motioned for her to get out. When the door shut closed, Don Joaquin looked at her again with more intensity in his eyes. “You did a great job tonight, Rose Ann. And because of that, I have a reward for you, and I know you’ll like it!” Maluwang nitong ngiti.
“Is it another one of your tricks, Papa? Sorry, but I’m not interested.” Lumipat si Rose Ann ng puwesto at umupo sa harap ng vanity table para pahirin ang kolorete sa mukha habang tinititigan ang repleksiyon sa salamin.
“Come on, Rose Ann…I promise you will like this one.” Hindi napalis ang ngising ayaw na ayaw niyang nakikita sa matanda dahil may ibig sabihin iyon.
“I am not interested, so could you please leave me alone?” Huminga siya nang malalim.
Mabilis na lumapit si Don Joaquin sa kanya at marahas na hinablot ang kanyang braso. Mariing bumaon ang mga daliri nito sa kanyang balat. Napatiim-bagang siya sa sakit na naramdaman subalit hindi niya binawi ang braso. Pagkuwa'y marahas din nitong itinaas ang kanyang baba at matigas na nagsalita.
“Habang nasa pamamahay kita ay wala kang karapatang tumanggi sa mga kagustuhan ko. Ang lahat ng sasabihin ko ay susundin mo sa ayaw at sa gusto mo!” Mariin nitong bulong sa kanyang tainga.
Oh, how she hated this old man! Sana ay hindi na lang siya sumama rito. Sana ay nanatili na lang siya sa poder ng kanyang mga kamag-anak na nasa probinsiya. Gusto niyang murahin ang yumaong ina na pumatol dito. At mas lalo siyang nagagalit dahil sa matanda pang ito siya inihabilin ng ina bago ito binawian ng buhay dahil sa isang malalang sakit. She hated her mother. Now she loathed this man even more.
Ayaw niyang makita ang demonyo nitong mukha na nagtatago sa likuran ng guwapo at matamis nitong mga ngiti. Ayaw niyang laruin sa isip ang mga kasukal-sukal na ugaling kailanman ay hindi niya malilimutan. Ayaw niyang alalahanin ang sadistang pamamaraan ng disiplina nito, sa ina noon, at sa kanya ngayon.
Matangkad, matipuno ang katawan, mayaman, at nirerespeto sa larangan ng negosyo sa buong Pilipinas, iyan ang kanyang ama-amahan, iyan ang maskarang nakikita ng sosyalidad na kanilang kinabibilangan.
“Do we understand each other?” mahina subalit nang-uuyam na paalala ng matanda. Alam kasi nitong wala siyang magagawa dahil nakadepende siya rito.
“Let go of my arm.” Pilit hinahablot ni Rose Ann ang braso. Iniiwas niya ang mukha sa mga mata nitong matalim na nakatitig.
At his age of fifty-eight, Don Joaquin was one hell of a man. Kaya naman nahumaling ang ina niya rito, kahit pa sinasaktan ito nang madalas. “Not until you say please, sweetheart.” There it was again, those creepy annoying tone and grin of his.
“P-please?” Pinigil ni Rose Ann na huwag sumigaw at manlaban para sa ikabubuti ng kanyang sarili.
“That is my good girl. You listen well and obey, and everything will be alright.” His mouth pasted a smirk of victory. God! Gusto niya iyong bangasin kung maaari lang, kung makakaya lang niya!
“A-ano ba ang kailangan mo?” Kahit sanay na si Rose Ann sa mga ginagawang pangha-harrass ng ama-amahan, hindi pa rin niya makasanayan ang sakit na idinudulot nito sa kanya.
Wala siyang ipinagkaiba sa isang preso o ibon na nakakakulong sa isang hawla. Lahat ng galaw at kilos niya ay bantay-sarado. Hindi na nga siya halos makahinga. Hindi ito ang buhay na hinangad niya. Oo- karangyaan, magandang tirahan, pera… hindi masamang hangarin iyon, karapatan niya iyon at ibinigay iyon ng kanyang ina pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa balasubas na lalaking katulad ng matandang Don.
May inilapag si Don Joaqin sa kanyang vanity table. “Look at it and tell me what you see.” He commanded while folding his arms across his chest.
Sumunod si Rose Ann, subalit hindi niya dinampot ang litratong ipinakita, tiningnan lang iyon ng mga mata at hindi gumalaw ang katawan. Maging ang ulo ay nanatili sa posisyon at mga mata lamang ang kumilos para tingnan ang litrato.
JAMIN ALEJANDRO! Sigaw ng kanyang isip nang masino ang nasa litrato. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib, subalit pinanatili niya ang composure. Ayaw niyang mahalata ni Don Joaquin ang kung anumang tumatakbo sa kanyang isipan, maging sa kanyang dibdib kahit ang totoo ay gusto na niyang hablutin ang litrato ng binata at idikit sa kanyang dibdib at tumili sa kilig.
“So, tell me, does he interest you? Do you think you can give your body to him?” tanong nito nang walang pasintabi, para bang natural lang ang malisya sa bawat salitang bitawan nito.
“What?!” Napatayo si Rose Ann sa kina-uupuan. Nanlaki ang mga matang tumitig sa matanda.
“You heard me right. I want his company. I heard they are selling their shares and only families can buy the biggest share. I want those. I’ve been eyeing that company for a long time now and I will not miss this chance.” Pahayag nito, as if he was just presenting a business proposal.
“W-what are you talking about?” Kinuyom ni Rose Ann ang nanginginig na mga kamay.
“You will marry him.” He rubbed his hands together. “You have two weeks to prepare to get his attention. I want you to enter into his premises and get the information I want.” A maniacally smile pasted on his lips.
“N-no.” Rose Ann felt cold freezing breeze sensation seeping through her spine.
Matalim ang mga mata ng Don na pumako sa kanya, may bahid ng galit at pagka-irita. Pagkuwa’y ngumisi ito. Umangat ang isang kamay nito at dumantay sa buhok niyang nakadantay sa kanyang batok..
“Oh yes, you will you piece of trash!” He pulled her hair ignoring the pain it caused in her scalp. “You will do it if you don’t want to end up just like your mother when I picked her up in that filthy whorehouse. I can send you back to that same place and you will never see the light of the day until I say so!” Marahas hindi lamang ang paghawak nito sa kanya kundi maging ang mga salita nito.
Gustong umungol ni Rose Ann sa sakit na nararamdaman sa anit pero ininda pa rin niya. Wala ito kumpara sa ibang mga pasakit na natikman na niya mula rito.
“Don’t play hard to get, Rose Ann. I know that you’ve been dreaming of him for a long time now. Matagal mo na siyang gusto kaya ginagawan lang kita ng pabor. Now you will have your chance to get a hold of him. Kaya huwag ka nang magpakipot pa. Kailangan kong mapasakanya ka para makapasok ako sa kumpanya ng mga Alejandro.”
Umiling si Rose Ann. Natitilihan siya sa pinaplano nito. Ayaw niyang pasakop sa gusto ng ama-amahan. Hindi siya papayag na madamay si Jamin sa kawalanghiyaan ng matanda. Subalit sa ginawa niyang pag-iling, lalo lamang nag-udyok iyon sa galit ng matanda. Kaya naman marahas nitong idinikit ang kanyang mukha sa ibabaw ng vanity table at puwersahang idiniin doon. Napangiwi siya sa sakit.
“Huwag ka nang magmatigas, Rose Ann. Wala ka rin namang lulusutan. Susundin mo ang gusto ko o ipapasok kita sa club at hahayaang pagpasa-pasahan ng mga lalaki roon? Ano, gusto mo iyon? Gusto mong matulad sa ina mong pinagparausan ng marami bago ko siya nai-ahon sa putikan? Gusto mo ba iyon, ha?” Idiniin nito ang matigas na braso sa kanyang ulo kaya halos mapisa ang mukha niya sa vanity table.
Naramdaman niya ang pagsugat ng mga ngipin sa loob ng kanyang pisngi. Nalasahan niya pati ang sariling dugo sa loob ng bibig. At alam din niyang walang pakialam ang ama-amahan doon at magpapatuloy lang ito sa ginagawa. Baka nga kapag hindi pa siya pumayag, ikukulong uli siya nito sa basement na walang anumang ilaw kahit gasera o kandila at hindi pakakainin ng ilang araw at hahayaang mamatay siya sa gutom.
“Do you understand what I am telling you, huh?!” Malakas na nitong sigaw at saka iniangat ang mukha niya para lang iuntog pabalik sa mesa.
Nakaramdam siya ng pagkahilo sa malakas na pagkaka-untog. Hindi na ito bago pero…masakit pa rin. Sanay na siya sa pang-aabuso nito pero…sa sakit na paulit-ulit na lang ay hindi pa rin niya kayang indahin. Muli ay sinisi niya ang ina sa kapalarang ibinigay nito sa kanya.
“Answer me, dammit!” Muli nitong iniangat ang ulo niya saka siya marahas na sinampal sa mukha. Nasaladsad siya sa sahig na malapit sa paanan ng kama.
“S-sumagot man ako nang hindi, ang kagustuhan pa rin ninyo ang masusunod hindi ba? K-kaya bakit kailangan pa ninyong hingin ang pagsang-ayon ko.” Matatalim ang mga titig na iginanti niya sa matanda.
“Dahil gusto kong marinig mula sa bibig mo mismo ang pagsang-ayon mo kahit alam kong labag sa kalooban mo. Ang pakialam ko lang ay ang lalabas sa bibig mo at hindi ang nilalaman ng damdamin mo. Ngayon, sagutin mo ako, punyeta ka!” Hinablot siya nito sa buhok at saka muli sanang sasampalin pero mabilis siyang pumalag.
“OO!” kanyang sigaw. “Oo na! Oo na!” mariin niyang sagot. “Oo na…” saka tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Malakas itong tumawa, iyong nakasusuklam. “That is my good girl.” Saka siya binitiwan at nasadlak siyang muli sa paanan ng kama. Humahalakhak pa rin itong lumabas ng kanyang silid.
Kahit nanginginig, napilitang tumayo ni Rose Ann. Humarap siya sa salamin ng vanity table. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. May sugat ang kanyang labi, ganoon din ang kilay sa kaliwang bahagi. May dugong tumutulo sa kanyang mga sugat. Napansin din niya ang pamamaga ng cheekbone kung saan nadiinan ng maigi. She looked a total mess.
Kumuha siya ng wet wipes at nilinis niya ang mukha. Nasasaktan siya sa bawat pagdampi niyon sa kanyang mukha. Tumulo ang ilang butil ng luha niya subalit hindi siya nag-react. What a mess...sabi lang niya sa sarili.
Nang matapos, bumaba ang tingin niya sa litrato ni Jamin na nasa ibabaw ng mesa. Ikinurap niya ang mga mata para pawiin ang luhang muling nagbabadyang tumulo. Dinampot niya ang litrato, pinakatitigan sa mukha ang lalaking lihim na iniibig. Mapait siyang ngumiti.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka sinunggaban na niya ang sinabi ng matanda. Hindi siya tatanggi. Magpapakasaya siya dahil iyon naman ang gusto niyang mangyari sa buong buhay niya, ang mapalapit sa lalaking hinahangaan. Pero...
Tumulo ang kanyang mga luha. Idinikit niya sa dibdib ang litrato. Pumunta siya kama at ibinagsak ang katawan padapa. Naramdaman niya ang pagkirot ng balikat, tumama kasi iyon sa paanan ng kama kanina.
“Jamin...” Hinalikan niya ang litrato. Tiningnan. Pinadulas ang daliri sa mga labi nito. Muling hinalikan at idinikit sa dibdib na parang yumayakap sa hindi nakikitang pisikal na anyo.
“Oh, Jamin!” Napahagulgol siya. Impit na pag-iyak na ayaw niyang marinig ng iba. Awang-awa na siya sa sarili kaya ayaw niyang pati ang iba ay kaawaan pa siya.
Magagawa ba niyang sundin ang ipinagagawa ng ama-amahan? Kung siya lang maari pa rin niyang pagtiisan pero kung madadamay si Jamin sa kanyang sitwasyon…ah, natatakot siya. Hindi niya alam ang gagawin. Ano bang puwede niyang gawin para makaiwas sa gustong gawin ng matanda? How about Jamin, how would she warn him to avoid the Don’s malicious plan?
Nakipagtitigan si Rose Ann sa kulay puting kisame. Hinayaan niyang mahilo ang paningin sa umiikot na ceiling fan at masilaw mula sa malakristal na mga ilaw. Tumulo ang mga luha sa gilid ng kanyang mukha. She was hurting, and she felt so alone in the world full of population and yet, no one was there to help her wounded self.