TAHIMIK na nakalapit si Allen sa tabi ni Maki. Hindi pa rin ito lumilingon kasi nakasuot ng headphone at tutok sa kung anong ginagawa sa computer. Huminga siya ng malalim at nakangiting tinapik ang balikat nito. Gulat na tumingala ito. At halatang lalong nagulat nang makitang siya ang nasa tabi nito. Biglang hinubad ni Maki ang headphone at mabilis na tumayo. “What are you –?” “May klase kami rito ngayon,” mabilis na putol niya sa itatanong pa lang nito. “Block niyo ba ang nag class dito ngayon-ngayon lang? Nakaalis na ang classmates at professor mo. Kami naman dito.” Kumurap ang binata at biglang sumulyap sa pinto ng computer lab. Pumapasok na ang ibang kaklase niya at iginagala na ang mga tingin, naghahanap nang mapupuwestuhan. Nagulat si Allen nang mahina itong magmura at mabilis na