MAULAN kinabukasan. Umalis si Allen ng apartment na hindi nakakatanggap ng tawag o text man lang mula sa kanyang ama. Kahit distracted, nagawa niyang maka-survive sa morning classes niya. Alam niya na napansin ni Carla na gloomy siya at may ibang iniisip pero ayaw niyang idamay ito sa mga alalahanin niya kaya pinipilit niyang ngumiti at sinasabi rito na walang problema. Bandang tanghali, habang naglalakad sila ng kaibigan niya papunta sa paborito nilang kainan sa loob ng campus, nakasalubong niya si Peter. Nang magtama ang kanilang mga paningin nasiguro niya na hindi lang coincidence ang pagkikita nila. Sinadya siya nito puntahan. Kumabog tuloy ang dibdib niya nang huminto ito sa harapan niya. “Alam mo na ba kung nasaan si Maki?” straight to the point na tanong nito. “Hindi pa pero na