SA MGA SUMUNOD na araw nagawang iwasan ni Maki si Shannon. Suwerte rin na mukhang busy ang babae sa trabaho nito at hindi na uli araw-araw na umuuwi sa mansiyon ng mga Angeles. Iyon lang, hindi na rin niya nakikita ang foster father niya na palaging dumederetso sa ospital pagkatapos ng duty para samahan ang asawa. Gusto niya itong makausap sa lalong madaling panahon kasi gusto niyang ipaalam agad na wala siyang intensiyon manatili sa pamilya nito hanggang maka-graduate siya. Kaya nang lumipas ang isang linggo na hindi pa rin sila nagkikita ay nagdesisyon siyang bumisita sa ospital pagkagaling niya sa school. Tama siya na doon nga niya ito makikita kasi palapit pa lang siya sa psychiatric ward ay nakita na niya itong naglalakad naman palapit sa direksiyon niya. Kaso may problema. Kasunod n