MASYADONG maliit ang selda kung saan magaspang na ipinasok si Maki ng mga pulis pagdating nila sa police station. Wala siyang lakas na manlaban kaya hinayaan niya ang mga itong hilahin at itulak siya. Masyado siyang manhid para makaramdam ng sakit. Ni hindi siya nataranta o nagpaapekto sa ilang media people na sumalubong sa kanila, nagtatanong ng kung anu-anong hindi na niya inintindi. Kahit nang kapkapan siya ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit at sunglasses at sapilitang dinukot ang usb sa bulsa niya, hindi siya tuminag. Ano pang silbi na piliting itago iyon? Ano pa ang silbi na manlaban? Nangyari na ang mas matindi pa kaysa pagkakaroon ng criminal record; namatay ang nag-iisang taong itinuring niyang magulang at itinuring siyang tunay na anak; at sa kung saang lugar na wala siya,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books