NANG magising si Kristen kinabukasan ay mag-isa na lang siya sa kama, wala na ang lalaki, pero may iniwan itong isang paper bag na naglalaman ng dress, at may pera rin sa loob. Hindi na niya nagawa pang bilangin ang pera dahil nang mapatingin siya sa orasan ay nagulat siya nang makita pasado alas otso na ng umaga, at may pasok pa siya ng 09:30 AM. Kaya naman dali-dali siyang umuwi sa kaniyang apartment sakay ng taxi at nagbihis ng uniform. Pero pagdating niya ng school ay na-late pa rin siya ng fifteen minutes, hindi na niya naabutan pa ang first subject. Parang tulala pa siya habang nasa loob ng classroom, at kahit nakatingin sa nagsasalita na professor ay wala naman doon ang atensyon niya dahil lumilipad ang isip niya sa nangyari kagabi. Napaka-romantic para sa kaniya ang pangyayaring