MAKALIPAS ang apat na araw, tuluyan nang nawala ang pamamaga ng mga pisngi ni Kristen. Lubos naman siyang nagpapasalamat kay Callum dahil ito ang tumulong sa kaniya habang nagkakasakit siya, at kahit pilit na niya itong tinataboy ay hindi pa rin umalis sa tabi niya, tagahatid sa kaniya ng pagkain at gamot, dahil dalawang araw din siyang halos hindi makabangon sa higaan. Kaya naman sa apat na araw na lumipas, kahit papaano ay unti-unti na siyang naging komportable kay Callum. Pero nang gumaling ay nagpasalamat lang siya rito at agad niya rin itong itinaboy na kung maaari ay huwag na siya bisitahin pa. Pumayag naman ito at hindi na nga siya binisita pa kahit nasa iisang building lang sila, hindi na ito nagpakita pa sa kaniya matapos niyang itaboy. Medyo nakonsensya naman siya na baka sumama