HINDI makapaniwala si Kristen nang dalhin siya ni Cadmus sa boutique na pag-aari ng ate nito na si Alexa para raw makapili siya ng dress na susuotin niya sa papalapit na Gala Night ng university. Gusto niyang tumanggi at umalis na lang, pero nakapasok na sila ng boutique at nahiya na siya sa ate nito nang hilahin na siya palapit sa mga magagandang dress na nakalagay sa loob ng room, hindi pa nadi-display sa boutique. “Don't be shy, dear. Please, choose whichever dress you want. Try them all on to see which one suits you best,” Alexa warmly encouraged her. Hindi na mapigilan ni Kristen ang mamangha sa ganda ng mga design ng dress. Lahat maganda sa kaniyang paningin, simple lang ang design ng iba, pero napaka-elegant pa rin tingnan. At siguradong puro mamahalin, mukhang hindi niya afford.