CHAPTER 7 MR. GREG's POV: WALA na sa tabi ko si Niña. Ito ang siyang napagtanto ko nang magising ako at hindi ko na naramdaman pa ang katawan ng babae. Kaya awtomatikong napabangon ako para sana tingnan ang dalaga kung nasa loob ito ng c.r. Kaso nang puntahan ko ang c.r ay hindi ko nakita si Niña. Isa lang tuloy ang sumagi sa isipan ko ngayong oras. Sinamantala ng babaeng 'yon ang masarap at mahimbing kong tulog para makatakas siya sa mga bisig ko. "Damn Niña... We will meet again... Kung kinakailangan na halughugin ko at libutin ang buong Manila ay gagawin ko — mahanap ka lang," turan ko sa aking sarili habang napapahimalos ako ng aking mukha gamit ang dalawa kong palad. Wala tuloy akong magawa kundi ang maligo muna sa hotel bago lisanin ito. I enjoyed my night with her. Sulit na s