CHAPTER 8 NIÑA's POV: "Oh? Ano bang napala mo kagabi? — Halos naka-ilang missed call sa akin si tita Antonia para lang hanapin ka... Akala nila, magkasama tayo kagabi... Bakit ba kasi ang tigas-tigas ng ulo mo, Niña?" usal ng aking kaibigan na si Ash nang bisitahin ako rito sa bahay. She's now inside in my room. At ano pa ba ang aasahan ko mula sa kanya? — Malamang, katulad din siya ni dad na magsesermon sa akin. "Inaantok pa ako, Ash... So not now please... Masakit ang katawan ko," pakiusap ko na lamang sa dalaga. Medyo antok pa nga ang aking boses dahil hindi pa sapat yung naging tulog ko. Kung bibilangin ko sa daliri, halos anim na oras pa lang ang naging tulog ko — dahil alas sais pa lamang nang umaga. "Masakit ang katawan ko? — Talagang sasakit 'yan, Niña... Masyado ka kasing ex