CHAPTER 6
NIÑA's POV:
NAGISING ako na halos ay nakapulupot sa aking bewang ang braso ni Greg. Nakatagilid kasi ang aking posisyon kaya malaya siyang nakayakap sa katawan ko.
Mahigpit nga ang pagkakayakap ng binata na tila wala na itong balak pang pakawalan ako.
Matapos naming mag-usap kagabi ay nasundan pa ng isang round ang aming pagtatalik... Kaya literal na lupaypay at napagod ang kipay ko dahil sa tindi ng bayo ni Greg.
Kahit sinong babae siguro ang i-s*x niya, ay tiyak na magiging lumpo sa kanya. Sa laki at haba ng batuta nito, makakawasak ito ng lagusan. And yes, wasak na wasak ang p********e ko nang diligan ako ng binata.
Hindi na ako nakatanggi pa kagabi nung humirit siya ng isa pang round, dahil kahit medyo masakit na ang p********e ko — hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng init. Ang galing niyang humuli ng kiliti ko. Kaya tuluyan na akong nagpasakop sa kanyang labi.
Kaya pareho tuloy kaming nakatulog sa sobrang pagod. Ang pagkakaiba nga lang ay nauna akong nagising kesa sa kanya.
Minasdan ko nang mabuti ang mukha ng lalaking naka-s*x ko. He's really handsome. Hindi ko maikakaila na kahit anong anggulo ay pogi talaga si Greg. Matindi rin ang karisma ang dala niya, lalo na kapag ngumingiti na ang kanyang labi. He has a perfect smile, a perfect nose and a perfect body...
Kaso hindi ko type ang ugali niya. He's so mayabang. At hindi lang 'yan ha? Dahil masyadong malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili. Kaya sobra akong nahahanginan sa lalaking ito.
"Thank you Greg... Thank you for fullfiling my wish," mahinang sambit ko naman para magpasalamat sa kanya.
Alam ko na hindi niya ako maririnig dahil nga't masarap at mahimbing ang tulog nito. Pero nagawa ko pa ring magpasalamat sapagkat — natupad din ang isa sa mga gusto kong maranasan.
Wala na kasing kasiguraduhan pa ang buhay ko. I know, someday or sooner, mawawalan na ako ng hininga. Kaya habang nabubuhay pa ako, ginagawa ko na yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa. And honestly, nasarapan din ako sa nangyari sa amin ni Greg. Masakit sa una — pero kinaulanan ay sarap din ang naramdaman ko. Hindi nga nagsinungaling si Greg — sa kanya ko nga talaga nalasap ang tunay na sarap pagdating sa s*x.
"Good bye," muling bulong ko sa lalaki para magpaalam na sa kanya.
Alam ko kasi na ito na ang una at huli naming pagkikita. Hindi na muling magtatagpo ang landas naming dalawa dahil tuluyan na akong ikukulong ni dad sa bahay para magpagaling.
At alam ko rin na sa mga oras na ito, hinahanap na nila ako. Kaya kailangan ko nang makabalik ng bahay bago pa man sila magtaka kung saan ako pumunta.
Kaya pinili kong alisin ang braso ni Greg na siyang nakapulupot sa akin. Dahan-dahan ko itong inalis upang hindi siya magising.
Medyo nahirapan nga akong makaalis sa mga bisig ng binata dahil nga't masyado itong mahigpit. Pero dahil sa pagpupumilit ko na makaalis ay tuluyan na nga akong nakawala sa mga yakap niya.
Mabilis ko namang sinuot ang aking saplot. Nang matapos ang pagbibihis ko ay kaagad na akong lumabas ng kwarto.
Nanghihina na nga ang katawan ko at medyo nahihilo na rin ako. So I badly need to go home para makainom ako ng gamot.
Nang makalabas ako ng hotel, nag-abang kaagad ako ng taxi. Halos ilang minuto lang ang hinintay ko bago ako makasakay.
Pag-uwi ko sa bahay — hindi na nga ako nagtaka pa o nagulat sa aking naabutan. Ang galit na mukha ni dad ang sumalubong sa akin — samantalang ang mukha naman ni mom ay puno nang pag-aalala at pangamba.
"Niña, my daughter, what happened to you? — Saan ka ba pumunta? — Bakit mo nagawang umalis ng bahay at hindi man lang nagpaalam sa amin? — Dis oras na ng gabi anak. Isang oras na lang ay mag-uumaga na," litanya ni mama habang hinahaplos nito ang aking mukha.
"I'm just enjoying mom... Ini-spoiled ko lang ang sarili ko habang nandito pa ako sa mundong ito," pahayag na sagot ko naman.
"Enjoying yourself? — Naririnig mo ba ang sinasabi mong 'yan Niña? — Alam mong may sakit ka pero nagagawa mo pa ring gumimik nang ganitong oras? — Hindi mo yata ginagamit ang utak mo!" paninigaw ni dad para sermonan ako.
Napahugot naman ako nang malalim na paghinga kasabay nang pagtuon ko ng atensyon kay papa.
"Kung makapagsalita naman kayo dad, akala niyo — ginagawa ko ito araw-araw... Baka nakakalimutan niyo, ilang taon niyo akong kinulong at ginawang alipin... Almost half of my life, nasa trabaho at bahay lang ako.. Dyan na lang lagi umiikot ang pesteng buhay ko kaya nga nagkaroon ako ng sakit... And to tell you frankly, this is just my first time doing this. Kaya hayaan niyo na akong paligayahin at bigyan ng oras ang sarili ko," matapang na turan ko kay dad.
Ito ang kauna-unahang beses na sumagot ako sa kanya. Na-realized ko na wala naman sigurong mali na i-voice out ko ang aking nararamdaman.
Pagod na rin ako maging sunud-sunuran kay dad. Pagod na akong sundin lagi ang mga bilin niya... Hindi ko kasi maintindihan ang pagiging mahigpit niya sa akin. The way he treats me, parang hindi niya ako anak.
"Niña, huwag mo nang sagutin pa ang daddy mo... Concern lang naman siya sa'yo," kalmadong wika ni mommy upang pigilan ako na huwag nang sumagot kay papa.
"No mom... I'm tired of everything.... Narinig ko kayo ni dad na nag-uusap nung na-confine ako... Sabi ng doktor, may isang taon na lamang ako para mabuhay... Kaya nga ginagawa ko na yung mga bagay na pinagkait niyo sa akin ni dad... It's already time, para unahin ko naman ang sarili ko," I said again. And this time, medyo naluluha na ang mata ko.
Halos halo-halong emosyon na kasi ang umaapaw sa damdamin ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagiging matapang ka na. Nagiging emosyonal ako na sabihin ang totoo kong nararamdaman.
"We are just protecting you, Niña... Kung ano man ang panghihigpit na ginagawa ko sa'yo, para 'yon sa kaligtasan mo," giit na tugon ni papa para iparating sa akin na ginagawa niya lamang kung ano ang sa tingin niya ay tama.
"Protecting me? For what dad? — Bakit niyo ako kailangan protektahan? — Ano ba talaga ang tunay kong pagkatao? Sino ba talaga ako? — I heard your conversation with mom, may tinatago kayo na hindi niyo magawang ipagtapat sa akin... So tell me, what is it dad? Ano ba talaga ang alam niyo tungkol sa pagkatao ko?" ani ko sa aking ama. Sa puntong ito ay lumapit na ako sa kanya at nakipagtitigan nang diretsa sa mata nito.
Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, pinili nitong iwasan ito at ibahin ang usapan. Ayaw niya talagang aminin sa akin ang katotohanan.
"It's already twelve midnight, kaya magpahinga ka na Niña... Kailangan mo nang matulog dahil makakasama sa kalusugan mo ang magpuyat," pagsasambit ni dad kaakibat nang pagtalikod niya sa akin.
At dahil desidido ako na malaman kung ano ang lihim na tinatago nila ni mom, nagawa kong magbitaw ng salita.
"Kung hindi niyo magawang sabihin sa akin ang katotohanan, ako na mismo ang gagawa ng paraan para makilala ko kung sino talaga ako."