Galit na galit ako sa nangyari kahapon , nagawa akong saktan ni Ethan dahil sa malanding babaeng iyon .Sino ba naman kasi ang mag -aakala na sa dinami-dami ng lalaking bisita at tao sa mansyon noong nakaraang party , Kay Ethan pa talaga siya mapunta. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya . Mula sa paaralan ay bida bida na si Isabella . Natabunan Niya ako dahil siya ang nangunguna sa klase , simula pa noong elemtarya hanggang sa high school . Hindi kasi ako nag enrol sa private school dahil gusto ko dito lang ako sa asyenda . Kaya , palagi Kong karibal si Isabella sa lahat ng bagay , kumpetinsya ko siya sa maraming bagay . At nagngingitngit ang aking damdamin dahil sa palaging nangunguna si Isabella ,sa lahat ng marangan . pangalawa lang ako sa kaniya., which is hindi ko matanggap .