"Diyos ko po! , anong nangyari sa iyo apo ?" Nanlaki ang mga mata nina Lolo Diego at Lola Clarita. Gulat na gulat sila ng makita nila ako sa kalunos-lunos na hitsura. Basang-basa sa ulan, may mga pasa ang mukha at leeg, nangingitim ang bahagi ng aking mugto na mga mata at pagod na hitsura. "Anong nangyari sa iyo apo? Bakit ka lumusong sa napakalakas na ulan, bakit hindi mo na lang inantay na tumila ito?" Tanong sa akin ni Lolo Diego. Hinila ako ni Lola Clarita mula sa pintuan, at saka pinaupo sa silya. Kinuha nito ang dala kong maliit na maleta na naglalaman ng aking konting damit . Kahit ito ay basa rin sa ulan. "Ano ba kasing nangyari apo? Bakit ka sumugod sa malakas na ulan, at bakit bitbit mo ang Iyong maleta?" Tanong ni Lola. Nagkatinginan sila ni Lolo Diego. Nangininig ako