CHAPTER 1: Arranged marriage
Nikki
"Drake, do you take Nihann Kitty to be your lawful wife and love and cherish her for as long as you live?" tanong ng Pari kay Drake, na ngayo'y walang emosyon na nakatitig sa akin.
Dumaan ang ilang segundong nananatili itong tahimik at parang nagdadalawang-isip na sumagot. Huh! Sumagot ka dahil ikaw naman ang may kagustuhan nito. Siguro ay diring-diri siya sa akin ngayon.
Nagsisimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid namin. Bakit ba ayaw pa niyang sumagot? Gusto ba niyang magtaka ang mga tao sa amin, lalong lalo na ang pamilya niya?!
"I will repeat. Drake, do you take Nihann Kitty to be your lawful wife and love and cherish her for as long as you live?" muling tanong ni Father sa kanya.
Napansin ko ang pa-simple niyang paghinga ng malalim bago sumagot, "I do."
Mukhang nakapagdesisyon na siya. Itutuloy niya talaga 'to.
Lihim na lamang akong napaismid at pa-simple siyang nginisihan. Tinapunan naman niya ako ng matalim na tingin, na kaagad ding napalitan ng pekeng ngiti. Lumingon siya sa mga tao at nagkunyaring naiiyak-iiyak.
Parang tanga.
"Nihann Kitty, do you take this man to be your lawful wedded husband, to love, honour, and cherish him for as long as you both shall live?" tanong naman sa akin ni Father.
Muli akong napatitig kay Drake, na ngayo'y nakatitig nang muli sa akin ng taimtim.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang mauwi kami sa ganito, gayong nangako naman na ako sa kanya na itatahimik ko ang bunganga ko tungkol sa mga natuklasan ko tungkol sa pagkatao niya. At babayaran ko siya ng hulugan para sa perang magagastos niya sa pagtubos ng lupa namin sa bangko.
Pwede rin naman akong magtrabaho sa kanya, gawin niya akong alila, okay lang. Tatanggapin ko dahil walang ibang mahalaga para sa akin kundi ang lupa naming magkakapatid.
Oo, isa lamang itong arranged marriage na tanging kaming dalawa lamang at mga kapatid ko ang nakakaalam. Ang buong akala naman ng pamilya niya ay nagmamahalan kaming dalawa ng lubos.
Pinagyayabang pa niya kanina sa mga kapatid niya, na heto na ang patunay na hinding-hindi siya iiyak sa kasal niya, hindi katulad nila noong sila ay ikasal sa mga asa-asawa nila. Eh, paano naman mangyayari 'yon gayong pilit lamang ang kasal na ito para sa pareho naming pansariling interest sa buhay.
Wala naman akong problema sa personal kong buhay dahil single naman ako. Eh, siya? Baka may jowa na siya at isa sa mga witness namin ngayon.
Hay, anim na taon pa nga ang tanda ko sa kanya. Twenty-three lamang siya, habang ako naman ay twenty-nine na. Mukhang mag-aalaga lang ako ng isang sutil na bata. Tsk.
Pero bahala siya. Kagustuhan naman niya ito. Sumusunod lamang ako sa kanya dahil ideya niya ito. Siya mismo ang nakaisip nito.
"I do," sagot ko na rin kay Father.
Napansin ko ang pa-simple niya ring pag-ismid. Napangisi na lamang akong muli.
Muli nang nagpatuloy si Father sa seremonya ng aming kasal, hanggang sa dumako na sa pagsusuot ng mga singsing sa aming mga daliri.
Hindi rin nagtagal ay pinal nang nagpahayag si Father. "In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, I am pleased and honoured to declare you, Nihann Kitty and Drake, as husband and wife... Your love and commitment to each other have inspired us all... From this day forward, you are united in all things—through joy and sorrow, in hardship and ease... May God bless you on this journey together as a married couple. May your life together begin with love, understanding, and harmony. Amen..."
Nanatiling tahimik ang lahat ng saksi sa kasalanang ito. Patawarin niyo po sana ako, Diyos ko. Nagsisinungaling kami sa lahat at nanloloko ng mga tao. Patawad po.
"Now, as a symbol of your love and unity, you may kiss your bride. This kiss is a sign of your affection and a promise to stand together through all the challenges and blessings that life will bring. Kiss her, Drake, and show your love for Nihann Kitty."
"Woohoo! Kiss! Kiss!"
Bigla na lamang may sumigaw, na isa sa mga angkan ni Drake. Nagsisimula na rin silang pumalakpak.
Napalunok akong bigla kasabay nang pagharap ko sa kanya. Lumakas at bumilis bigla ang t***k ng puso ko.
Napansin ko rin naman ang tila pag-iwas niya ng tingin sa akin at pagpupulutong ng mga pawis niya sa noo at leeg. Tsk. Kaya mo 'yan. Kayanin mo kung ayaw mong mapahiya at magtaka sila!
Binigyan ko siya nang may panghahamong tingin. Napansin ko naman ang pagbuntong-hininga niya ng malalim, bago sinimulang itaas sa ulo ko ang suot kong belo.
Yumuko siya sa akin hanggang sa lumapat na ang mga labi niya sa gilid ng mga labi ko.
Sa mga sandaling ito ay naramdaman ko pa rin ang init at lambot ng mga labi niya. Tila bumagal ang galaw ng paligid at naririnig ko na ang malakas na t***k ng puso ko.
Ito pa lamang ang kauna-unahang beses na nahalikan ako, kahit gilid lamang ito ng labi. Kahit pareho kaming walang nararamdamang pag-ibig para sa isa't isa.
Kahit alam kong pagpapanggap lang ang lahat ng ito, iba pa rin ang pakiramdam na malamang kasal na ako sa kanya, at wala nang bawian ito.
"f**k. Your lips are disgusting," bigla niyang bulong sa akin, na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. "I just want this day to be over."
"Bakla. Magtiis ka. May honeymoon pa tayo. Mas mabuting maghanda ka na," bulong ko rin sa kanya, bago ko siya pa-simpleng nginisihan.
Tumalim namang bigla ang mga titig niya sa akin, kasunod ang mahihina niyang pagmumura.
Pagharap namin sa mga tao ay kaagad kaming ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"CONGRATULATIONS!!!"
Kaagad na rin naman kaming sinalubong ng aming mga pamilya.