"Hoy, Tiffanie!" Nakasimangot akong tumingin sa kay Tesa isa sa mga katrabaho ko sa restobar na pinapasukan ko tuwing gabi. Part time cashier ako sa resto-bar at ang may ari nito ay asawa ng pinsan ni Daddy kaya naman pwede akong magpart time job anumang oras. "Bakit?" "Kanina ka pa nakasimangot diyan, pati customer natin tinataray mo?" Nakataas pa ang kilay niyang sabi sa'kin. Si Tesa ang manager ng resto-bar lagi siyang nakatambay sa pwesto ko upang makipag-usap. Madalas nga kaming nahuhuli ng may-ari sa tuwing dumadalaw ito sa gabi. "May naalalala kasi akong nakakainis," sagot ko. Mabuti na lang at wala pa'ng customer dahil kanina pa sila nakapag-order ng alak. Kapag ganitong walang customer madalas nasa kitchen ako upang tumulong sa pagluluto ng mga pagkain. Kinuha ni Tesa a