"THREE MILLION PESOS!" halos malaglag ang ice cream ni Dina nang sabihin ko sa kanya ang inutang ni Daddy sa taong si Mr Balmond. Nasa loob kami ng isan fast-food chain along Makati kung saan nagtatrabaho si Dina. Hinintay ko siya ng ilang oras dahil siya lang sa mga kaibigan ko ang kaya kong pagsabihan ng problema ko. Napalingon ako dahil biglang tumingin sa'min ang mga customer sa loob ng fast-food chain, medyo maraming customer kapag lunch break ang loob ng fast-food chain at sa'min nakatingin dahil sa sigaw ni Dina. "Iyon ang sinabi ni Daddy sa'kin, hindi naman niya pinakita ang agreement niya noon. Nakatago raw it takes time kung hahanapin niya," Sinimsim ni Dina ang soft drinks na hawak niya. "Ang Daddy mo na 'yan, ha! Duda akong ganyan lang kaliit ang utang n'yo sa laki ng bahay