Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mabigat sa aking katawan na tila may nakadagan sa aking harapan, nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Mathew na nasa ibabaw ko at hinalikan ang leeg ko. "Mathew…" sambit ko sa pangalan niya. Ngumiti siya sa'kin at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo pababa sa aking ilong at mabilis na halik sa aking labi. "Good morning," he said. Umalis siya sa aking ibabaw at pagkatapos ay humiga sa tabi 'ko habang yakap niya ako. "Bakit nandito ka sa kuwarto ko?" tanong ko sa kanya. "Siyempre mag-asawa tayo kailangan iisang kuwarto tayo," "Bumalik ka na sa kuwarto mo," sabi ko. Bumangon ako at dumiretso sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos kong gawin 'yon ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko si Mathew na may kausap sa cellpho