"I love you, Tiffanie." Paulit-ulit kong naiisip ang salitang binitawan ni Mathew kanina. Hindi na ako nakatulog sa kakaisip ng sinabi niya. Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa'kin mukha at bumangon ako. Isinandal ko ang likod ko sa dashboard ng kama ko at pagkatapos ay huminga ako ng malamin. "Totoo kaya 'yon o baka nababaliw na ako," sambit ko. Nilamukos ko ang mukha ko. "Hays! Hindi ako makatulog!" Bumangon ako upang lumabas at magpahangin sa labas. Mukhang kailangan kong uminom ng alak para makatulog. Sinuot ko ang robe ko at lumabas ng kuwarto. Dahil sa narinig ko kanina kay Mathew hindi ako tumabi sa pagtulog sa kanya. Pumunta ako sa mini-bar na nasa groudfloor ng mansiyon ni Mathew ngunit pagpunta ko roon bigla akong natigilan. Hindi ko kasi alam kung tutuloy akong kumu