Padapa akong nakahiga sa kama ko habang walang tigil ang pagpatak ng luha ko sa pisngi. Hindi ako umuwi sa mansyon nang malaman 'ko ang sinabi ni Frederick. Kung kailan handa na akong sabihin ang nararamdam ko sa kanya saka ko pa nalaman ang lahat-lahat. Naghihintay akong suyuin niya ako o 'di kaya ay tawagan at kahit i-text lang niya ako ay sapat na para sa'kin. Gusto kong marinig sa kanya na hindi totoo ang sinabi ni Frederick ngunit isang araw na ang lumipas walang Mathew ang nagparamdam sa'kin. Sobrang sakit ang nararamdaman ko dahil umasa akong mamahalin niya ako tulad ng pagmamahal niya sa'kin. Totoo pa lang hindi uso ang second chance sa taong nasaktan mo ng sobra. "Tiffanie! Nandito ang kaibigan mo'ng si Dina." Narinig kong sabi ni Daddy sa labas ng pintuan ng kuwarto ko. Pinu