ANG lakas ng aircon sa loob ng silid ko ngunit tila masusunog ang mukha ko dahil sa hiya ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako aalis sa ibabaw ni Mathew. "Nakakainis naman bakit kasi nagising siya!" sa isip-isip ko. Hinawakan ni Mathew ang bewang ko pagkatapos ay umangat siya ng kaunti upang makaikot siya. Nagpalit tuloy kami ng pwesto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kapusukan ko. Gusto kong itulak siya o kaya magalit sa ginagawa niya sa 'kin ngunit baka sabihin sa 'kin niya na— Ikaw ang unang humalik sa'kin. Hindi ako tumutol ng siilin niya ako ng halik bagkus ay inilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya habang nakapikit akong tumutugon sa mga halik niya. Naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan at ang kiliting nararamdaman ko sa tuwing gumagapang ang ka