"Tiffanie!" masayang sabi ni Daddy nang dumalaw kami ni Mathew sa bahay namin. Dalawang araw ang lumipas mula nang pumunta kami sa Puerto naisipan naming dalawin si Daddy, lahat ng bagay na hindi namin nagawa noong magka-away kami ay ginagawa namin ngayon, tulad na lang nito, ngayon pa lang namin madadalaw si Daddy na magkasama. Niyakap ko si Daddy. "Kumusta Daddy," sabi ko. "Maayos naman ako rito," sabi niya. "Dad," sabay mano ni Mathew kay Daddy. "Mabuti at hindi kayo busy? Naku, hindi kayo nagsabi na darating kayo sana nagpaluto ako kay Aling Flor ng pagkain," ani Daddy. Tumingin ako kay Mathew at pagkatapos ay pumunta si Mathew sa kotse at kinuha ang mga binili naming pagkain. Napansin naman 'yon ni Daddy at ng katulong namin. Tinulungan si Mathew ng katulong namin na dalhin ang