MAYUMI’S POINT OF VIEW
✦
“How was it working for the Aitana siblings?”
Hindi ito ang unang beses na tinanong ako ng ganito. Kung tutuusin, sa sobrang dami ko ng beses na narinig ang tanong na ito ay parang may auto-reply na ang katawan ko; but this time is a little different. Sa unang pagkakataon kasi, tinanong ang ng tanong na iyan sa harap mismo ni Sir Eos.
Awarding night ngayon at kasama sa mga nominees ang tatlo sa mga alaga ko. Contrary to what many might be expecting, hindi nakahiwalay ng table ng mga managers sa big bosses ng kompanya nila. Magkakasama kami ngayon at ang nagtanong nga sa akin ay sa mga kaibigan at healthy competitor ni Sir Eos. Maging ang mga kagaya kong managers ay nakaabang sa sagot ko.
Kinakabahan ako, oo, pero hindi ko alam pero para bang mas kaya ko ng sagutin ang tanong na iyon ngayon na nakaharap sa akin mismo ang taong tinutukoy nila. Wala man si Ma’am Selene ngayon, alam ko namang may posibilidad na sabihin ni Sir Eos ang isasagot ko sa kanya.
“Masaya po.” Nakangiti kong sagot. Alam kong nakatingin lang sa akin si sir kaya naman nag-iinit ng sobra ang tenga ko, pero hindi ko ipina-halatang apekto akong masyado. “Spoiled po kaming lahat sa kanila.”
Kulang pa nga ang sabihing spoiled kami dahil literal na hindi lang talents ang spoiled sa kanila. Mula company utility hanggang sa mga nasa administration, mas maganda pa nga yata na sabihing pantay-pantay ang turing nila sa amin maging ang mga work benefits na binibigay. Hindi sa pagiging overreacting pero totoong isang napakagandang bagay na makapagtrabaho ka sa Aitana Entertainment.
“Paano ba ‘yan? Mukhang hindi ko pala talaga mapi-pirata itong si Miss Garcia.”
Ramdam kong sobrang namula ng mukha ko doon pero ngumiti na lang ako.
Sir Eos suddenly chuckled and placed his arm on my seat. “You always want what is mine. Mali ka ng gustong kunin kasi masyadong loyal ‘tong si Mayumi.”
Wala na. Itong puso ko, sasabog na sa kilig.
✦
Hindi ako dapat iinom pero talo na naman ako sa mga alaga ko. Pagkatapos ng awarding ceremony ay mag pa-after party pa na dapat na hindi na ako kasali. Uuwi na nga ako dapat pero heto ako ngayon ay hindi na maka-keep up sa pinaggagawa ng mga alaga ko.
Ang nasa isip ko na lang ngayon ay buti na lang at pwede akong mag-day-off bukas.
“Mami Yumi! Ano bang greatest wish mo?”
Hindi ko na alam bakit mag question and answer portion pero natalo na naman yata ako kaya ako ang nasa hot seat. Ngumiti ako kasi kahit ano pang rason, gusto ko ang tanong sa akin. “Makitang mag-model ulit ang mga big boss natin.”
Napuno ng ingay ang VIP booth na ito sa sinabi ko. Lahat naman sila ay agree sa sinabi ko dahil totoo namang isang blessing ang makitang mag-pose sa mga camera ang mga big boss namin. Gaya ngayong gabi. Hindi man ako kasama sa red carpet entrance, nakita ko si Sir Eos na mag-pose para sa photographers at masaya na ako doon.
Wala naman na akong mahihiling pa dahil sobrang blessed na ako sa mga alaga ako; pero kung halimbawa lang naman talagang pwede akong mangarap, isa lang ang nasa isip ko at iyong ang maging project manager sa susunod na photoshoot na involved ang mga big boss namin.
“Be careful of what you wish for, mami! Ikaw rin, nako! Baka kami yata ang mga anak mo!”
Natawa naman ako doon kasi naniniwala ako sa super powers nila sa industriya namin, pero mas lalong alam ko na malabong mangyari ang pangarap ko. Suntok pa sa suntok sa buwan iyon!
Pero libre lang naman talagang mangarap…
☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀
“P-Po?”
Hindi ko alam kung paano isi-sink sa akin ang mga salita ni Ma’am Selene. Kulang nga ang sabihing hindi ako makapaniwala dahil totoo na hindi talaga akong naniniwala na hindi ako nananaginip ngayon. Baka pambawi lang talaga ito sa bangungot na dinala sa akin ng hinayupak kong ex!
Natawa naman si Ma’am Selene sa akin at tumango. “You heard me right and clear, my dear. Remember noong tinanong kita kung sino or kung may favorite ka bang talent mo? When you explained your technique on how you’ll handle that situation, I did what you said.”
Lalo akong namangha doon! Kahit sa imagination ko ay hindi ko nagawang isipin na sobrang mag-e-effort si ma’am para lang ipagtanong sa lahat kung sino ang dapat niyang kunin sa project na ito!
“It wasn’t easy, especially that I did it all personally, I’ll tell you that, but it was worth it. Hearing everyone cheer for you was so satisfying because I was already eyeing you to be our project manager. Sinabihan lang ako ni Eos na bawal nga raw ang bias.”
Nalulula talaga ako sa mga nangyayari! Kung may magsasabi nga lang sa akin ngayon na nananaginip talaga ako, buong-buo ang loob kong na tatanggapin iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang isa sa mga pinakamalaking pangarap ko ay matutupad na!
“Um-agree po si Sir Eos?”
“Of course, he did! Well, noong una sabi nga niya ‘wag daw akong bias kasi baka hindi mo tanggapin ang offer kapag hindi naging fair ang pilian. He wanted to make sure that everything will go smoothly because this is something that we cannot force you to do. Even Akio agreed with him so I had no choice but to prove to them that you’re still the one who’s going to get this project.”
Minsan ay nakakalimutan kong literal na matagal na pala akong nagtatrabaho sa kompanya nila na nakakaligtaan ko rin na syempre nga naman ay kilalang kilala na nlla kami. I have to give up on Sir Eos for thinking that I might consider backing out simply because I did not like the way they chose who to have this project.
HIndi naman sa hindi ako naniniwala sa kakayahan nilang magtiwala sa kung sino ang ilalagay nilang manager sa project na ito. Syrempre naman ay alam na alam nila ang ginagawa nila pero lahat talaga ng managers nila ang competent. Asking the talents themselves was a big move and it proves to me that I genuinely deserve to accept this project.
“K-Kailan po ang simula ng project?”
Nagliwanag ang mukha ni Ma’am Selene. “Right now. After we eat. This means that you’re asking this project with us, right?”
☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀
HIndi ko alam kung paano ko napakalma ang sarili ko pero kusa na yatang naging “game mode” ang katawan ko lalo na noong marinig kong sabihin ni Ma’am Selene na literal na ngayon na ngayon na ang simula ng project. Nakakaloka talaga pero game na game na ako! Ibang-iba talaga kapag pangarap mo na ang gagawin mo.
Ang kasama sa job description naming mga project manager niya ay ang siguraduhin na papasok sa “standards” ng “image” ng talents namin ang mangyayari na project. Sa madaling salita, dadaan sa amin ang lahat bago maaprubahan ng go signal.
Halimbawa nito ay ang talent kong si Anne. Hindi naman restricted ang mga talents namin sa kung anong maging gusto nilang image nila, pero trabaho rin kasi naming mga managers na ma-portray ng maayos ang image na iyon. Ang image ni Anne ay adventurous. Maganda ang natural image niya na iyon dahil sobrang flexible ng mga pwede niyang gawin. Ang hiling lang ni Ma’am Selene sa kanya noon ay kung papasukin niya ang mundo ng Rated-18 ay sisiguraduhin niyang mapaninindigan niya.
Alam ko na agad ang gustong sabihin noon ni Ma’am Selene.
Sa industriyang ito, mahirap kapag mas maaga kang napasok sa mga project na SPG nga kung tawagin. Hindi lang si Anne ang pinapaalalahanan ng ganoon kung hindi ang lahat ng mga talents na rin. Hindi biro ang pumasok sa ganoong genre dahil kapag nandoon ka na, may mga proyektong kahit kailan ay hindi na babagay sayo dahil babalik at babalik iyon sa dahilan na nakapag-hubad ka na sa harap ng camera.
Napakagulo talaga ng mundo ng showbiz at mabuti na lang exemption to the rules ang mga big boss namin—kahit anong konsepto, pwede nilang kunin as long na iyon ang gusto nila.
Based doon sa binigay sa akin ng file ni Ma’am Selene, may hint ng sensualness ang gusto nilang ma-achieve. Biro pa ni ma’am na ready na raw sila for more mature scenes. Gusto kong kiligin doon dahil alam ko na agad na makikita ko sila ni Sir Akio na magpose na magkasama!
Hindi na bago sa akin ang pumunta ng mga designer houses para kumuha ng mga damit. Sa katotohanan lang ay naging normal na buhay ko na ang mag-check ng designer clothes and other stuff para sa mga alaga ko. Kaya naman ngayong nandito kami sa isa sa pinaka-kilalang fashion house ay hindi na ako nalula… medyo na lang. Sino ba naman kasi ang hindi talaga malula kapag nandito ka na sa lugar na pinapangarap lang ng iba na mapasok?!
“Eos, Selene, Akio! Ah, my favorite trio is here!” Sumalubong sa amin ang nag-iisang si Sir Cade Saavedra, ang may-ari ng House of Saavedra kung nasaan kami ngayon. Bigla niya akong binalingan. “You must be Mayumi, miss, I heard so much about you.”
Ngumisi ang mga big boss ko kaya biglang hindi ko alam ang isasagot ko! “N-Nice to meet you po, Sir Cade.”
Sinabi ni Sir Cade na sundan namin siya at nagulat pa ako ng magpahuli rin si Sir Eos para naman may kasabay ang maglakad.
“How are you feeling, Mayumi? I may have heard from somewhere that this is one of your dreams.”
Lalong nag-init ang mukha ko doon! Grabe naman kasi itong ngisi ni Sir Eos, mapang-asar pero napakagwapo talaga! “M-Masaya po sobra.” Bigla kong naalala ang mga panahon na lagi akong tinatanong kung kamusta nga raw banmg magtrabaho para sa kanila, napangiti ako doon. “Totoo kasi talaga, sir, na matagal ko ng pangarap ito.”
“You could’ve told us about it though.”
Literal na napahinto akong maglakad doon. “P-Po?”
Lalong lumaki ang ngisi ni sir at humawak na sa likod ko para magpatuloy lang kami sa paglalakad. “You’re one of the first loyal managers we had, Mayumi. Have we ever told you that we were worried at first because we thought we were bound to lose you?”
Hindi ko maintindihan ang puso ko kasi ang lakas-lakas na naman ng kabog nito sa dibdib ko.
“When you mentioned something about ‘Aitana Entertainment will help you with your career’, we assumed that you would only spend your time with us building yourself. We don’t have anything against it, in fact, we’re happy that you think that our company is fit to start your career; pero nag-expect na kaming iiwan mo rin kami.”
Gusto kong sumingit at sabihing hindi iyon totoo, pero may punto si sir at naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Madalas na naman talaga ay ganoon ang nangyayari. Iba naman kasi talaga ang magiging takbo ng career mo kapag sa Aitana Entertainment ka nagsimula. Ayoko sanang isipin ang magaling kong ex sa mga panahon na ito pero siya ang pinakamagandang example. Ginawa niyang start-up ang kompanya at lumapit rin matapos ang halos isang taon.
“But, anyways, when you choose to grow your career with us, you already have those hidden benefits. Kung nagsabi ka nga lang agad, ikaw na ang nag-handle sa lahat ng project namin na ganito.”
“Sir naman, pinapakilig niyo naman ako!”
Natawa naman si sir doon. “I’m telling you the truth, I promise.”
Maganda ang naging progress ng araw na ito dahil lahat ng creations ng team ni Sir Cade ay talaga namang bagay na bagay sa theme ng project. Lalo pa akong namangha ng malaman kong ang asawa pala ni Sir Cade ang designer ng collection na ito!
“So, what do you think, Mayumi? Does this overall fit your standards for us?”
Ngumiti ako at tumango kay Ma’am Selene. “I can see the vision with this collection po, ma’a, but I would disagree a little with the shoes. Hindi po kasi kayo comfortable sa four-inches stilettos. I would recommend using six-inches po kasi doon kayo pinaka-comfortable.”
“I am amazed by you, Miss Mayumi. This is the first time someone pointed out something based on the comfort of their talent.” Singit ni Sir Cade.
Proud na proud naman ang ngiti ni Ma’am Selene na lalo na talagang nagpakilig sa akin. “I told you, Cade, this is our Mayumi!”
Bumalik na si Sir Akio galing sa isang tawag niya pero si Sir Eos ay hindi pa rin. Lumingon-lingon pa ako sa paligid pero wala na si sir talaga. May isa pa kaming collection na dapat tignan…
Sir Akio clears his throat. “Eos excused himself. He said something urgent came up.”
Hindi ko alam pero sobrang drama ko naman… pero bigla akong nalungkot.