MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Ito ang pa lang ang pangatlong project ko bilang isang project manager sa Aitana Entertainment, at natanggap ko na yata ang isang pinakamalaking parusa na pwedeng matanggap ng isang baguhang kagaya ko—nandito ngayon mismo ang sa mga big boss namin! Tinawanan lang ako ni Anne. Hindi ko siya official na alaga, talent, pero ako ang maghahawak sa kanya habang may inaayos ang mismong manager niya. Wala namang kaso kasi talagang pwede naman iyong sitwasyon namin, pero dito ko yata mapapatunayan kung gaano siya kapasaway. Tawanan pa ba naman ako ngayong mamamatay na yata ako sa kaba! “Miss Mayumi, alam mo, masyado kang tense. Hindi ka naman kakainin ni Sir Eos! Ano ka ba, chill ka lang!” Madali para sa kanyang sabihin, pero hindi sa sitwasyon ko! Naloloka na nga ako!