MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Here are the basics that I knew from Sir Eos: mabait at pinaka-pilyo sa kanila si Sir Demetrius; at halos pareho lang daw si Sir Radleigh at Sir Luca na tahimik at mukhang masungit sa umpisa, pero pareho rin akong aasarin. Alam kong hindi ko na sila dapat tinatawag na mga “sir” sa isip ko para masanay na ako, pero hindi ko talaga mapigilan. Masasanay rin ako. Hindi man ngayon pero soon na soon na talaga. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kinakabahan ako pero hindi masyado. Siguro kung mas ide-describe ko nang tama, excitement na lang siguro itong nararamdaman ko kesa iyong natatakot na kinakabahan. Sa totoo lang, maliban sa dapat kong sanayin ang sarili kong huwag silang tawagin mga “sir”, dapat sanayin ko rin na isipin na gaya ko ay mga normal na guests lang sil