MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Inis na inis ako kay Eos kasi tawa siya ng tawa sa akin! Oo nga at gusto kong tumatawa siya ng ganito, pero kasi ang galing-galing niyang mang-asar kaya napipikon na ako! Hindi ko pa naman siya kayang bawian! Tinanong niya kung gusto ko raw ba ang ang apelyido niya tapos ako naman itong hindi makasagot kaya inaasar na niya ako ngayon. Sino ba naman kasi ang makakasagot agad sa tanong na iyon kahit biro lang?! “Tampo naman agad ang baby. Come, let me kiss you, baby Yumi.” Hinampas ko ang braso niya kasi nahahawa na naman ako sa tawa niya. “Kainis ka, Eos! Pumasok na nga tayo!” Bago pa ako makapag-walk out, bigla niyang hinila ang braso ko at napatili na lang ako ng buhatin niya ako. Nandito na kasi kami sa cabin niya dahil ito ang mas malapit. Akala ko papasok