MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Nag-offer pa si Sir Wren na ihatid ako pero tumanggi na ako kasi may dadaanan pa ako. Sa totoo lang ay medyo nag-panic talaga ako nang ma-realize kong wala akong heels! I mean—masaya na ako sa flipflops ko pero mas tama namang mag-stilettos ako mamayang gabi, hindi ba? Nabanggit kasi rin kasi ni Sir Wren na karaniwang cocktail attire ang mga events gaya mamayang gabi. Kaya naman ang diretso ko ay namili ako ng stilettos at saka pa lang umuwi. Nagdala naman ako ng bag ng pamalit ko kanina kaya hindi naman ako naka-bikini na namili, pero natatawa nga ako kasi parang gusto kong maranasan iyon minsan dahil mukhang gawain naman talaga ng iba iyon. Alas singko na ng hapon at mamayang seven pa naman magsisimula ang event. Nakita ko nga agad ang invitation sa akin para