The Wicked Princess

The Wicked Princess

book_age12+
6
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE;

PINAGLARUAN ni Loraine Hermosa ang nerd na kaklase niya noong fourth year high school sila. Pinaasa niya ito, pinaibig at saka ibinasura.

Lumayo si Dylan at pilit kinalimutan ang nobya. Subalit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil pinagtagpong muli ang kanilang mga landas. And this time, si Dylan ang may kakayahang magpaibig, magpaasa at maglaro. Sampung taon ang nakalipas bago siya nagkaroon ng pagkakataong makatabla sa kalokohang ginawa noon sa kanya ng mayamang dalaga.

May amnesia si Lorraine at wala siyang naalala sa kanyang nakaraan. Wala rin siyang kamalay-malay na naging napakasama niya noon kaya kapalaran na ang gumawa ng paraan upang makatabla sa kanya ang isang taong pinagkakautangan niya!

chap-preview
Free preview
La Hermosa State The Wicked Princess
“LORRAINE! Lorraine...!” Nakangiting kumaway si Lorraine sa dalawang kaibigan nang marinig niya ang mga ito habang paibis siya sa kotse. Lumapit agad sa kanya sina Kaye at Teri. “Alam n'yo na kung ano'ng section tayo ngayon?” tanong niya sa dalawang kaibigan. “But of course,” sagot agad ni Teri. “At alam mo ba, Lorraine? Magkaklase ulit tayong tatlo tulad last year.” Sabi naman ni Kaye. “Na naman?” Napakunot ang noong sambit ni Lorraine. “How boring naman! Kayong dalawa na naman ang mga kaklase ko't laging kasa-kasama.” Nagkatinginan sina Kaye at Teri bago bumaling sa kanya ang huli. “Bakit, Lorraine? Ayaw mo na ba kaming makasama ni Kaye?” Sukat biglang napabunghalit ng tawa si Lorraine. “Ano ba naman kayo? Naniwala agad kayo? Nagbibiro lang ako 'no!” Natawa rin ang dalawa at sabay-sabay na silang tatlo na pumunta sa kanilang classroom. Hindi pa dumarating ang kanilang adviser. Magkakatabi silang naupo, napapagitnaan si Lorraine ng dalawang kaibigan. Maya-maya'y napansin ni Lorraine ang isang kaklase nila na kanina pa pasulyap-sulyap sa gawi nila. “Sino naman iyon?” tanong niya habang inginunguso sa dalawang kaibigan ang binata sa di-kalayuan. “A, si Dylan Enriquez. New student siya rito sa school. Two years siyang nag-stop pero nang mag-decide siyang mag-aral ulit ay dito na sa school natin nagpa-enroll.” Mahabang sagot sa kanya ni Kaye. “Two years siyang nag-stop?” “Yes, family problem raw kaya nawalan siya ng ganang mag-aral.” Sabi naman ni Teri. “Paano ninyong nalaman?” “Ininterbyu na namin siya kanina dahil naiinip kami sa kahihintay sa iyo. E, nakita naming mag-isa lang siya, pinagtiyagaan naming kausapin.” Bakit crush mo si Dylan?” pabirong tanong sa kanya ni Teri. Nanlaki ang mga mata ni Lorraine sa pagkabigla sa narinig. “What? Bakit naman ako magkakagusto sa nerd na iyon? Puwede ba?” “Cute naman, ah.” “Cute?” nanlalaki ang mga matang sambit ni Lorraine. “Hindi ko alam na ganyan na kalabo ang mga mata n'yo. Paano naman naging cute ang isang mukhang nerd? Look at his hair—yucks! Para siyang si Cachupoy, basambasa sa gel ang buhok niya at ang hati ay nasa gitna. Tapos, ang kapal-kapal ng eyeglasses niya na weird pa ang design. Para siyang nakasuot ng goggles at magswi-swimming!” “Wait, sino naman si Cachupoy?” “Siya iyong comedian noong 70's yata.” “Noon pang 70's? E, bakit mo kilala? Tao ka na ba no'n?” ”Hindi ‘no. Pero nakita ko na siya sa picture. Iyon kasing yaya ko palibhasa matanda na at mahilig sa mga artista ay mayroong scrapbook. Tapos nakadikit sa scrapbook niya ang maraming artista, mula kina Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa hanggang kina Jennylyn Mercado at Mark Herras.” Natigil ang kuwentuhan nila nang dumating ang kanilang adviser. “Hi, Cupcake.” Nang lingunin ni Lorraine ang nagsalita sa bandang likuran niya'y biglang napakunot ang kanyang noo. “Huwag mo nga ako'ng tawaging Cupcake dahil naaalibadbaran ako.” Asik niya kay Guiller na kilalang siya dito sa kanilang school at bully. Palibhasa'y may katungkulan sa gobyerno ang ama nito kaya malakas ang loob at tila walang kinatatakutan. Kilala rin itong chickboy. Halos lahat nga ng mga popular girls dito sa school nila'y naging girlfriend na nito — except her. Kahit kasi may itsura si Guiller at magaling pumorma ay hindi niya ito type. Nakapuwesto na siya noon sa isang table sa canteen habang hinihintay niya sina Kaye at Teri. Lalong nainis si Lorraine nang maupo sa katapat na silya si Guiller habang ang mga kasama nitong notorius na siga rin sa eskuwelahang ito'y nakatayo sa di-kalayuan. “Sinabi ko bang maupo ka riyan?” “Bakit bawal ba akong maupo rito?” “Oo dahil okupado ko ang mesang 'to at may hinihintay ako.” “Ang dalawa mong kaibigan?” “No, ang boyfriend ko.” Umarko ang kilay ni Guiller at nawala ang ngiti sa mga labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang huling sinabi ni Lorraine. “May boyfriend ka na? “Ano'ng nakapagtataka ro'n? Marami akong suitors at nakapili na ako kaya sorry ka na lang!” mabilis na tumindig si Lorraine at iniwan si Guiller na hindi agad nakapagsalita. Palabas na sa canteen nang makabunggo niya si Dylan. “Ay!” “Oops, sorry.” Inilalayan siya agad ni Dylan sa braso nang muntik na siyang ma-out of balance. “Okay ka lang?” nag-aalala nitong tanong sa kanya. “Yeah,” sagot niyang nakangiti. “Magi-snack ka?” “Oo.” “Sabay na tayo.” Parang nagulat si Dylan sa sinabi niya. “Okay lang sa iyo na sabay tayong mag-snack?” maang nitong tanong sa kanya. “Oo naman. Tara?” Nakangiting tumango si Dylan bago sila naghanap ng bakanteng table. Malayo sa karamihan ang inokupahan nila. “Ako na ang bibili ng meryenda natin. Ano ang gusto kong kainin?” “Burger and soda.” Tumango si Dylan bago tumango sa counter. Pagkaalis nito'y lumapit si Guiller kay Lorraine. “Don't tell me na ang nerd na iyon ang boyfriend ko?” “Ano'ng pakialam mo kung siya nga ang boyfriend ko?" ”Pinatulan mo iyon? E mas di-hamak naman akong magandang lalaki kesa sa kanya,” hindi makapaniwalang litanya ni Guiller. “Humanap ka ng malinaw na salamin at humarap ka ro'n. Saka mo sabihin iyan. Kapag sumagot sa iyo 'yung salamin na mas maganda ka nga'ng lalaki kesa kay Dylan, makikipag-break ako sa kanya at ikaw ang sasagutin ko. Okay ba iyon?” Nagngingitngit na iniwan siya ni Guiller. Lumabas ito ng canteen kabuntot ang tatlong barkadam. Saka naman bumalik si Dylan sa table nila dala ang kanilang meryenda. “Burger na rin ang binili ko para sa akin at soda para pareho tayo.” Ngumiti si Lorraine sa lalaki maski na nga napipilitan lang siya. Gustong-gusto niya nang suklayin ang buhok nito. MUNTIK nang masamid si Teri sa sinabi ni Lorraine. Nasa ice cream parlor sila no'n. Pagkagaling nila sa school ay nag-aya si Kaye rito. “What did you say, Lorraine? Sinabi mo kay Guiller na boyfriend mo si Dylan?” Gulat na gulat na tanong ni Teri sa kanya. Halos hindi ito makapaniwala. “Yap, anything wrong?” “Alam mong kakalat iyon sa school natin at pagtatawanan ka dahil ang boyfriend mo'y mukhang nerd. Ikaw na isa sa pinaka-popular sa school natin at crush ng bayan, pumatol sa isang nerd?” “Ano ka ba? Hindi ako ang pagtatawanan nila kung hindi si Guiller.” Napakunot ang noo ni Kaye. “Si Guiller? Bakit naman siya ang pagtatawanan, aber?” “Dahil porma siya ng porma at feeling guwapo siya, di ba? Masyado siyang mayabang at bilib sa kanyang sarili. Feeling niya'y kaya niyang mapasagot ang lahat ng babae sa school natin na magustuhan niya. Pero sa akin ay sumemplang siya. Sa halip na siya ang sagutin ko’y si Mr. nerd ang pinili ko.” “Kunsabagay, may point ka ro'n,” sabi uli ni Kaye. “Lalo pang mapapahiya si Guiller dahil feeling niya'y girlfriend ka na niya. Iyon pala'y matatalo lang siya ng isang tulad ni Dylan.” “That's right. At hindi na rin ako kukulitin ng hambog na iyon maski pa malaman niyang nag-break na kami ni Dylan dahil ayaw niyang masabihan na tagasalo siya ng tira-tirahan ng isang nerd.” Tumangu-tango si Teri. Pero maya-maya'y bigla itong natigilan. “E, paano kung malaman niyang hindi naman pala totoong boyfriend mo nga si Dylan? Alam mo na, malakas ang pang-amoy ng grupo ni Guiller. Matinik ang mga iyon.” “No problem,” nagkibit ng balikat na saad ni Lorraine. E, di tototohanin ko ang pagiging magnobyo namin ni Dylan.” Nanlaki ang mga mata nina Teri at Kaye sa sinabi niya pero isa man sa mga ito'y walang nakapagsalita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold To A Superior Vampire (SPG-TAGALOG)

read
224.0K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
205.2K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
853.3K
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
970.8K
bc

KATORSE NEW REPLICA (Tagalog SPG18+)

read
1.2M
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
859.6K
bc

OWN ME, MR. PLAYBOY

read
289.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook