Call Nabulabog ang tulog namin dahil sa malakas na tunog ng cellphone sa bedside table. Inaantok akong napamulat ng mata at gayon din ang halimaw sa tabi ko. Kaagad ko rin namang naipikit ang naniningkit na mga mata at yumakap sa kaniya. Yep. Magkatabi na kaming natutulog. Nakauwi na kami sa Pilipinas noong nakaraang linggo at balik na lahat sa normal. Madalas pa rin kaming mag-away. Well, that's our normal anyway. " This better be important or I'll boil you alive." May diing anito mula sa telepono na hawak. " Mga istorbo ng tulog!" Siguro ay iyong mga pinsan niyang baliw ang kausap niya. Lumalabas lang naman ang ganiyang ugali niya sa mga pinsan niya. Paano, kaparehas niya rin naman kasing mga baliw at itong halimaw ko ay masyadong maliit ang pasensya pagdating sa anim na makukulit n