Hindi alam ni Lure kung kailan nagsimulang magbago ang feelings niya para sa noon ay tinuturing niyang pangalawang ama. Basta ang alam niya, gustong-gusto niya noon ang nag-iisa niyang ninong na si Knox Jacob ang best-friend ng kaniyang daddy. Kinalakihan kasi niya ito bilang personal na taga pangalaga niya kapag wala sa bansa or nasa malayong lugar ang kaniyang mga magulang dahil sa kanilang negosyo. Parang anak na nga rin ang turing sa kaniya ng Ninong Knox Jacob niya. Pero sa mura niyang isip hindi naging lingid sa kaalaman niya ang pagiging certified babaero nito.Kilalang playboy in town ang Ninong niya at naging saksi siya sa ilang mga affair nito sa iba’t ibang mga babae na ang ilan ay dinadala niya pa sa bahay nito habang naroon siya.
Sampong taong gulang siya nang bigla itong magpasya na sa America na manirahan kasama ang mga magulang. For those years, she secretly stalked her Ninong Knox Jacob at the social media. Kahit wala siyang gaanong nasasagap na balita tungkol dito.
Maliban sa mga pictures na naka-tag sa social media accounts nito na madalas babae ang kasama niya sa mga party. At habang lumalaki si Lure, nagiging iba na ang tingin niya sa Ninong niya. Unti-unti siyang nakakaramdam ng pagnanasa. Doon niya na-realised kung bakit marami ang babaeng nababaliw dito. Dahil habang nagdadalaga siya, doon niya napagtanto kung gaano ito kaguwapo. Kahit nga mga kaibigan niya ay nagka crush din dito nang makita ang mga larawan nito.
Hanggang nagising na lamang siya na laman na ito ng mga pantasya niya. Kaulayaw niya ito sa kama nang magdamag sa lahat ng panaginip niya. At nang mabalitaan niya sa mga magulang na babalik na ito ng bansa, ay nagplano siya.
Gagawin niya ang lahat mapasakanya lamang ang Ninong Knox Jacob niya. Tutulan man ito ng mga magulang niya, hindi pa rin niya isusuko ang pagnanais na magkaroon ng Sinful Affair With Ninong.