I touch my lips as I press my back on the door. Nanghihina iyong tuhod ko as I remember those lips that kissed me. “Miss, ayos ka lang?” nagulat pa ako nang tanongin ako ng isang Pinay. “Uhm…yes.” Sagot ko na lang dito at binuksan ang pinto ko. Pagkasara ko ng pinto ay dumiretso ako sa kama at nahiga. Doon ako ulit tumulala at halos hindi ko makalimutan iyong mga halik ni Cyrus. Ang daming tanong ang bumubuo sa isip ko. Bakit niya kaya ginawa iyon? Ano kayang tumatakbo sa isip niya noong ginawa niya iyon? Anong naramdaman niya noong hinahalikan niya ako? Noong gabi ding iyong ay wala ako halos tulog. Mag-uumaga na noong nakatulog ako. Paggising ko ay ala-una na ng hapon. Agad akong napabalikwas at pagtingin ko ng phone ko ay naka-ilang missed calls si Cyrus sa akin. “Hala! Patay ka Pea