Lulan kami ngayon sa sasakyan ni Cyrus at hindi niya pa rin ako sinasagot sa tanong ko kung bakit niya linipat sa closet niya lahat ng mga damit ko. Kinukulit ko siya at paulit-ulit na tinatanong pero ngiti lang siya palagi ng ngiti. Pagdating namin sa bahay naming ay nakita ko si mama na busy na nagbabake ng cake. Nagulat pa ako na super busy siya sa ginagawa niyang cake. May okasyon ba? “Ma!” tawag ko sa kanya. “Ay! Anak, nandito ka na pala! Iyong boss mo ba kasama mo siya?” “Nandito po ako. Mano po ma!” pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. Tama ba iyong narinig ko na tinawag niyang mama ang nanay ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa at naramdaman ko na may tinatago sa akin ang dalawang ito. “Okay! Kayong dalawa anong meron? Bakit bigla kayong naging close? What’s going on?” I