“Kuya, pwede hong pahatid sa Zaya’s Restaurant.” Tumango ang driver ni Cyrus. Pagkarating namin doon ay nagulat ako na dito pala nagpropose si Cyrus ng kasal sa akin. “Kuya, pwede ho ba na huwag niyong sabihin kay Cyrus na pumunta ako dito?” Alanganin itong sumagot baka isipin niya nangla-lalaki ako pero hindi ko na ito pinaliwanag sa kanya at bumaba ng sasakyan. Pagpasok ko ay pinapanalangin ko na sana wala si Jordan dito at isa siya sa mga kasama na nakipagkita kay Cyrus. Luminga-linga ako at agad ko namang nakita ang mga magulang ni Cyrus. Tumayo ang ina ni Cyrus at sinalubong ako ng yakap. Cyrus’ father gave me a handshake. “Nice meeting you, Pearl.” Bati sa akin ng ama ni Cyrus. Ngayon na nakita ko siya ng malapitan ay nakikita ko na halos hawig sila ni Cyrus. “Nice meeting din po