“Hala! Elise kumuha ka ng tubig. Pearl, halika umupo ka muna. Bakit ka umiiyak?” malumanay na tanong ni Quinzel at humagulgol ako lalo. Quinzel hugs me at umiyak ako ng umiyak. Nang mahimasmasan ako ay doon ko sinabi sa kanila ang problema ko. “Gago pala iyan! Please tell me sinugod mo ang bahay ng babae niya.” Galit na tanong ni Elise at umiling lang ako. “What?! Naku kapag nakita ko talaga iyang asawa mo bibigyan ko siya ng upper cut.” “Elise, wag nating gatungan iyong problema ni Pearl.” Sita ni Quinzel “Pearl, sinubukan mo na bang kausapin ang asawa mo? Baka naman kasi kaibigan niya lang talaga iyong babae.” “Quinzel, kami-meet niya lang doon close sila agad? Naku, dapat ang ginawa mo sumugod ka sa bahay nung higad na iyon at pinagsasampal siya.” Huminga ng malalim si Quinzel at