Kakatapos ko lang magluto ng tanghalian. Wala si great Axel sinama ng Hari may nilakad sila kaya nakahinga ako ng maluwag dahil walang mangungulit sa akin. Nandito ako ngayun sa hardin ng Palasyo nagpapahangin. Nagulat ako ng biglang may tumakip sa mata ko. "Great Axel!" Sabi ko nakilala ko siya sa amoy niya. At kahit Hindi ko siya na amoy alam ko na siya dahil siya lang ang nagpapagulo sa t***k ng puso ko. Parang may nagrarambulan dito sa tuwing nasa malapit siya sa akin. "Hindi ko akalain na killala mo na ako ng husto binibini." Sabi nito. Na nangingiti. pero hindi parin ako nito binibitawan. "Ano ba great Axel! Bitawan mo nga ako. Mamaya may makakita sa atin kung ano pa ang sabihin." Sabi ko dito. Binitawan nga niya ang mata ko pero hindi siya umalis sa likod ko. Kaya napalingon ako