"Aray. Ang sakit ng tenga ko Ronald." Sabi ko sa kanya. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.Kinikilig ito sa hindi ko malaman na dahilan. "Anong reaction ni Mouris sigurado nagkita kayo sa palasyo kasi siya ang Mate ni great Axel.?" Tanong nito ng kumalma na siya. "Lagi naman yung galit sa akin may bago ba. Natural galit lalo na kapag kasama nila akong kumain. Nung malaman nga niya na gusto akong ihatid ni great Axel kulang na lang kainin niya ako. Haaays kaloka talaga siya." Sabi ko. tawa ng tawa si Ronald sa akin. "Talagang magagalit yun kasi siya ang mate pero ni minsan hindi man lang siya makalapit sa mate niya at isa pa hindi niya man lang mapaamo ang Dragon ni great Axel kaya sobra ang ingit nun sayo.pusta pa." Sabi nito sa akin. Nagugululuhan na nakatingin ako sa kanya "dib