Lumabas na ako para bumili ng Ulam na lulutuin ko. Saka ako umuwi nagluto ako ng kanin at hinugasan ang manok habang naghuhugas ako ng manok may naramdan akong dumating. Akala ko si Uncle kaya iniwan ko ang ginagawa ko at sumilip sa labas.kasi naka sarado ang pintuan sa kusina. "Unc..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nakita ko sila Prinsepe Rod at great Axel na nasa labas nagtutulakan. Natigilan sila ng makita ako. "Ahm..Hi! Clarizh." Bati sa akin ni prinsepe Rod sabay kaway. "Princepe Rod. Great Axel, anong ginagawa niyo diyan bat hindi kayo pumasok?" Tanong ko sa kanila. Kaya ngumiti si prinsepe Rod at hinila papaakyat si great Axel. Umakyat ako sa taas nakita ko na naka upo na sila. "Bat nandito kayo? Hindi ko ba nanaman narinig ang kampana?" Tanong ko sa kanila. "P