"Tara Ronald ituloy na natin ang kinakain natin, wag mo silang alukin hindi ko sila bati." Sabi ko saka hinila si Ronald pababa sa kusina. Sumunod naman sa amin ang dalawa. Ng makababa, uupo palang kami nakita agad ni prinsepe Rod ang pagkain. "Wow pinagkit." Sabi nito saka kumuha ng tinidor at tinusok ang isa saka kinain. Ang sama ng tingin ko sa kanya. Tawa ng tawa si Ronald. "Maupo kana great Axel hayaan mo yung dalawa. Kumain kana." Sabi ni Ronald at binigyan niya ng plato si great Axel at sinalinan ng soda sa baso. "Peace na Clarizh. Ang ganda mo pa naman ngayun. Pakainin mo na ako" Sabi ni prinsepe Rod sa akin kaya hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Maganang kumain kami kwento ng kwento si prinsepe Rod. Ng sumapit ang gabi kasalo ko parin sila kumain. Bago sila nagpaalam na uuw