Sa gabing 'yun hindi na ako mapakali habang ina-anunsiyo sa lahat ng taong dumalo sa salu-salo ang kasal namin ni Rickson. Maraming nagulat sa nalaman nila, may mga nasisiyahan rin, marami ring bumati sa amin ni Rickson. Nginitian ko sila na walang halong ka plastikan at nagpapasalamat. Lumalalim ang gabi lasing na ang lahat. Iba ang lamesa ng mga lalaki at doon nakihalo si Rickson at ang Daddy Martin niya, habang kami namang mga babae kasama rin sa iisang lamesa. Kasama ko rito si Mrs.Grace na tila puring-puri sa lahat ng nandito. Kausap niya ang may edad na ring mga ginang, habang sumasabay naman ako sa usapan ng mga ka edad ko rin. Kasama ko rin sa iisang lamesa si Marina na hindi halos makatingin sa akin simula noong sinupalpal ko ito ng salita, kinakausap nito ang kanyang mga kaib