"Huwag mo akong gawing tanga! Hindi ako pinanganak kahapon para maniwala sa rason mo. Kitang-kita ko kung paano ka nasarapan sa halikan niyo ni Dexie tapos sasabihin mong na pagkamalan mo lang siya na ako?!" Mabilis ko siyang tinulak palayo. Diring-diri ako sa pagyakap niya sa akin. I can still remember, kung paano pumatong ang babaeng 'yun sa kanya. Baka mahawaan pa ako sa kalandian ng babaeng 'yun kung didikit siya sa akin. Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa frustration. Pumikit siya nang mariin. Sa pagbukas ng kanyang mata, isang pagod na titig ang sumalubong sa akin. "It is true... I was thinking of you while kissing her! Fúck! Believe me, please," he begged. Walang sa sarili niyang sinalubong ang mga tingin ko. Masiyado nang sarado ang isip ko para pakinggan pa siya. Ini