Marriage life
Samantha Suarez's POV;
Matapos ko ayusin ang sarili ko bumaba na ako para kumain.
"Bakit hindi ka pa kumain?" tanong ko kay Marc na busy kapipindot ng phone niya habang naka-upo sa upuan na nasa dining table.
"Gaga ka ang tagal mo," ani ni Marc na kinangiwi ko.
"Sino naman kasi may sabi na hintayin mo ako. Nasa akin ba ang bibig mo. "
Pagsusungit ko kay Marc bago umupo sa kaharap niya na upuan at kumuha ng makakain.
"After class since gagabihin ka pwede ako pumunta ng ospital? Gusto ko dalawin si papa," pagpapaalam ko kay Marc na kasalukuyang sumisimsim ng kape.
"Gusto mo ng kasama? Papa-cancel ko lahat ng schedule ko ngayon," ani ni Marc na kinailing ko.
"No, ayos lang. Mukhang importante ang dadating na investor niyo ngayon since pinuntahan ka pa ni Kuya Arc dito para ipaalala na may meeting kayo. "
"Fine, call me kung may need ka or si daddy," ani ni Marc na kinatango-tango ko.
Ito ang maganda sa ugali ni Marc. Lagi 'man kami nag-aaway at past time na namin magbarahan. Kapag seryoso ang usapan nag shishift siya as a friend of mine.
--
Katulad nga ng pinagpaalam ko kay Marc pumunta ako ng ospital after ng klase ko para dalawin si papa.
'Pag bukas ko ng pinto ng kwarto ni papa bumungad sa akin ang napakadaming aparatus at ilang doctor na naka assigned para imonitor ang papa ko.
Dahan-dahan ako naglakad palapit sa kama at umupo sa isa sa mga mono block na nanduon. Umalis din ang mga doctor at pag sara ng pinto. Hinawakan ko ang kamay ni papa at kinulong iyon sa mga palad ko.
Isa-isang lumandas ang luha sa mga mata ko matapos makita ang kaawa-awang kalagayan ni dad.
Namumutla at halos makina na lang ang bumubuhay sa kanya na hindi ko alam kung buhay pa ba itong matatawag kung humihinga lang si papa.
"Alam ko papa nahihirapan kana at gusto mo na magpahinga," nahihirapan na bulong ko habang nakasubsob sa gilid ng kama.
"Pero papa hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya na mawala ka," mangiyak-ngiyak na sambit ko.
"Alam ko kung gising ka magrereklamo ka kasi wala akong ginawa kung hindi umiyak kapag pumupunta dito."
"Papagalitan mo ako kasi lagi akong umiiyak," ani ko bago marahas na pinunasan ang pisngi ko at tiningnan si papa.
Ilang taon na din ang lumipas matapos ko matanggap ang lastwill ni papa. Nabasa ko duon na kaya pala nalugi ang negosyo ni papa ay dahil pinilit niyang mabuhay para sa akin.
Gusto niya mabuhay para makasama ako. Nalaman ko na may lung cancer si papa at pumupunta siya sa ibang bansa para magpagamot.
Ayaw niya ako iwan ng maaga kaya nagpapagamot siya at pilit na lumalaban. Ngunit mukhang hindi sang ayon ang tadhana dahil ilang doctor na ang tumingin sa kanya at pare-pareho Lang sila ng sinasabi.
Hindi na siya magtatagal at wala 'man lang ako sa tabi niya para damayan siya.
Ilang bansa na din ang pinuntahan niya para magpa opera. Ngunit walang kahit na anong nangyari.
Pagbalik niya dito halos hindi ko na makilala si papa dahil sa sobrang payat niya. Nakaratay na din ito sa kama at kung hindi pa ako nagmakaawa kay Marc para ibalik ang katawan dito ng ama ko mananatili si papa sa america mag-isa.
"Papa, naalala mo dati. Nag promise ako na bibigyan kita ng madaming apo? "
"Papa, hintayin mo 'yun ah. Kung kinakailangan pikutin ko si bakla para magka-apo ka gagawin ko, " naiiyak na biro ko habang hawak ang kamay ni papa.
"Before ang kasal namin ni Marc. Papa, nagsinungaling ako. Kung paano? Siguro sasabihin ko kapag nagising kana papa. "
"Gusto ko pagalitan mo ako kasi nagsinungaling ako."
"Gusto ko hilahin mo ulit ang tenga ko kasi naging bad girl ako, " mababa ang boses na sambit ko.
"Papa, hanggang ngayon umaasa pa din ako na magigising ka. Kahit sinabi na ng doctor na imposible na dahil hindi na kaya ng katawan mo. "
"Papa, alam ko lalaban ka pa, " bulong ko habang hawak ng mahigpit ang kamay ni papa.
"Sabi na iiyak ka lang. "
Napatigil ako at napaangat ng tingin matapos ko maamoy ang gamit na pabango ni Marc.
Nakita ko siya gilid ko at agad nagmano kay papa.
"A-Anong ginagawa mo dito? D-Diba may meeting ka? " ani ko bago pinunasan ang pisngi ko.
"Maaga ako umalis kanina diba? Pinamove ko ang meeting para masamahan kita dito, " sagot ni Marc habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Bakit ka nakatingin?" tanong ni Marc matapos salubungin ang tingin ko.
"Wife material na ba ako? " ani ni Marc sabay flip hair.
Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Marc dahil pinanindigan talaga niya ang pagiging wife niya kaysa husband.
"Husband material, gaga ka."
"Pasensya na Marc."
"Anong nakain mo at nagsosorry ka? Before tayo kinasal malinaw pa sa kagandahan ko na ikaw ang husband, ako ang wife, " taas noo na sambit ni Marc. Gumusot ang mukha ko bago inismiran ang asawa ko.
Amputs, kahit anong gawin niya siya pa din ang lalaki.
"Hindi iyon ng hinihingian ko ng sorry, " sagot ko. Lumambot ang expression ko matapos makita ang mukha ng papa ko na namumutla at pinalilibutan ng mga apparatus sa katawan.
"Sinasayang ko ang pera mo para sa hospital finances ng papa ko."
"Ano bang sinasabi mo? Wala kang sinasayang dahil humihinga pa si papa. " ani ni Marc na kinatingin ko. Nakatingin siya sa heart monitor at ng mapatingin siya sa akin mabilis siyang umirap sa kawalan at tinungkod ang dalawang kamay sa kama.
"Lumalaban pa din si papa kaya wala kang dahilan para mag sorry at about naman sa pera. Kahit ubusin ko ang pera sa bank acc ko na imposible naman talagang maubos."
"I don't mind kung maubos 'yun sa pag papagamot sa daddy mo, " sagot ni Marc na kinaguhit ng ngiti sa labi ko.
'Ang bait niya, nakakatakot.'
"Huwag kang masyadong mabait nakakatakot, " out of the blue na sambit ko.
Kapag pinagpatuloy pa ito ni Marc baka i take advantage ko na siya. Hingiin ko na lahat ng meron siya.
"At ano naman nakakatakot duon, gaga ka?" tanong ni Marc na kinatawa ko ng mahina.
"Baka itake advantage kita at hingiin ko lahat ng meron ka."
"It's okay for me. Ano bang gusto mo?" tanong ni Marc na kinatingin ko.
"Bibigay mo lahat ng gusto ko?"
"Yes, bibilhin ko lahat ng gusto mo, " sagot ni Marc na kinatikom ng bibig ko.
'Hindi naman nabibili ng pera ang gusto ko. '