"Bumangon ka na daw diyan, maligo ka na, magbihis at igayak mo na ang mga damit mo dahil sabi ng Mama at Papa mo ay sasama ka na sa akin sa Manila,gets?" nakangising wika ulit nito sa sinabi. "Sira ka ba?! Hoy Tito Conran, ay este Conran pala! Umayos ka nga, sinong may sabi sayo na sasama ako sayo? Hindi ako sasama sa Manila 'no! Tsaka bakit naman ako sasama sayo eh dito ang bahay namin!" mataray na wika niya dito tsaka bahagyang lumayo at nakapamingwangan pa na tinignan niya ito ng masama. "Huh! Okay eh 'di sa mama at papa mo ikaw magpaliwanag, wag sa akin! Napakataray kung, hindi ka lang maganda!" nakasimangot ng wika nito tapos may pahabol pa na mahina man ang boses pero narinig niya naman nagagandah din pala sa kanya ang kumag. Napataas na lamang siya ng isang kilay habang sinus