"Mag-ready ka na Marikit kasi aalis na tayo maya-maya lang, magsa-shower lang ako saglit," wika sa kanya ni Conran ng makita siya nito sa sala, kapapasok lamang nito mula nang makita niya ito sa likuran kasama ang kanyang Tita Emma. Tiningnan lamang niya ito pero walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin dito at saka hindi siya nagsalita naiinis pa rin kasi siya sa nakita niya kanina. Umiling na lamang ito habang nakatingin sa kanya pero hindi pa rin niya ito pinansin. Bakit ba sino ba 'to para pansinin niya. Magsha-shower daw ito kaya minabuti niya na lumabas na lamang dahil kapag kasi gumamit ito ng towel expose na expose ang katawan nito sa kanya dahil dadaan pa muna ito sa sala bago makarating sa CR. Ganoon ito lagi doon kapag pumupunta sa kanilang bahay para dalawi