Chapter 22 - She doesn't exist

1674 Words
Sebastian I'm drinking myself to oblivion when my phone suddenly rang. "Tsk.." I just ignored my phone and continue drinking. Mag-iisang oras na rin akong umiinom dito sa mini bar ng condo ko at mag-iisang oras na ring tawag ng tawag ang mommy ko. Maybe she was worried about Hilary. Isang buwan na raw kasi nila ito hindi nakakausap. Tsk..paano nila makokontak eh ikinulong ko nga rito. I already told her that she was with me para matigil na sila ni dad sa pag-aalala but they always insist to talk to her. My respond to their everytime persistent is that she's busy. Nauubusan na ako ng palusot sa kanila kaya minabuti ko ng huwag na lang muna silang kausapin. I couldn't blame them for being so attached with Hilary. Masiyado na kasing nahulog ang loob nila sa babaeng iyon dahil sa galing nitong magpanggap. Lahat kami napaniwala niya sa mga kuwento at pagkukunwari niyang kawawa. Itinuring na siyang anak ng mga magulang ko kaya alam kong magiging mahirap sa kanila sa oras na ipagtapat ko na ang totoo. Ang katotohanan sa likod ng kaniyang pagkatao. Flashback: "Oh hi Sebastian, would you like to join me in my private time huh?" Sue this girl! It's Cassandra and she's starting to pissed me again! "We'll you just stop pestering my life? You're f*****g annoying!" Napipika na talaga ako sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagpapadala ng kung anu-ano kahit dito sa office ko sa America. "Oh...relax. Don't worry, I promise to live you alone even for a while...if and only if you open this envelope for me." "I'd rather waste my time gawk in here than waste it with your nonsense trash!" Ano ba sa nasusuka na ako sa presensya niya ang hindi niya maintindihan? "Okay. Then endure having my presence everywhere you go honey." Shit! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng tao baka matagal ko ng nagawa! Sa inis ko at para manahimik na siya sa panggugulo sa'kin ay ako na mismo ang humablot noon sa kamay niya para makita. I thought it would lighten the situation but what's inside it make everything worst. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. It was a photo of Hilary who's happily talking to...Jim. "Afraid to continue scanning? Nagmamahalan kayo right? So i believe you trust her. Then why nervous?" I don't know but the half of me saying that I should continue but the half saying opposite. Natatakot ako sa posible ko pang makita. Alam ko kung gaano namin kamahal ang isa't-isa pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ng personal at matagal na kaming nasa long distance relationship. May tiwala ako sa kaniya dahil alam kong mahal niya ko, pero paano kung napagod na siya, nagsawa at nakahanap ng boung atensyon sa iba na hindi ko maibigay sa kaniya. f**k! I can't. Hindi ko iyon kakayanin! Nagdadalawang isip man pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagtingin sa mga larawan. Lahat ay litrato ni Hilary kung saan masaya silang magkasama ni Jim. Sa mall, sa bar, sa park, sa kotse at kahit sa mismong kalsada ay may mga kuha sila. I thought seeing her picture habang ka-holding hands si Jim ang pinakamalala na, but again..I was wrong. Ang sumunod na larawan ang tuluyang kumumperma sa lahat ng agam-agam ko. Hilary was vividly kissing Jim. Next photos are the same. Puro kuha nila habang naghahalikan. There where also photos kung saan nakahiga sila at nakapatong si Jim sa kaniya habang masidhing hinahalikan siya. Parang isang malambot na bagay na walang kalaban labang dinudurog ang puso ko. All the dreams I already built for the two of us just faded like bubbles. Tila salaming bigla na lang nabasag ang mundo ko. Anong nangyari? Bakit biglang nagkaganito? "I guess I have to give you some space now for you to digest what you saw. Bye honey." Pabagsak akong umupo sa swivel chair habang patuloy na pinoproseso ang lahat ng nakita ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon sa'kin ni Hilary. Kahit may nakita na akong mga ebidensya ay tumututol pa rin ang isip ko. Alam kong iba si Hilary. Hindi siya kagaya ng mga naging ex ko. Alam kong hindi niya ako kailanman pagtataksilan! Because of my mistrust to those picture at dahil nanggaling din ito sa hindi mapagkakatiwalaang tao ay napagdedisyunan kong kumuha ng sarili kong imbestigador na maglilinaw sa lahat. Isang linggo lang ang inabot ng imbestigasyon. "Good afternoon Mr. Saavedra." The investigator greeted after seeing me. "I want to get straight to the point Mr. Obrero. May relasyon ba ang girlfriend ko at ang bestfriend ko?" Gusto ko ng malaman ang totoo. Gulong gulo na ko. Binalot kami ng saglit na katahimikan bago niya sinagot ang tanong ko. And his answer shattered me into pieces. "Yes. Limang buwan na silang may relasyon Mr. Saavedra." So all this time she's cheating on me? "M-May nangyari na ba sa kanila?" Hindi ko napigilang maitanong ang tungkol sa bagay na iyon. "That I do not know. Hindi na iyan kaya pang sakupin ng imbestigasyon ko, but some of the informations I got spotted both of them in Mr. De dyos condominium. May mga pagkakataong doon na nagpalipas ng gabi ang kasintahan mo." Nag-igting ang panga ko dahil doon. Naikuyom ko ang kamao ko ng sumagi sa isip ko ang mga posible nilang ginawa habang magkasama sila. Isang taon ko siyang iningatan, higit pa sa isang babasaging bagay. I never touch her dahil ang sabi nya hindi pa siya handa. Bullshit! "Before you get into any conclusion, may dapat ka munang malaman tungkol sa kaniya." Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang tapusin ang gusto niyang sabihin. "The identity of your girlfriend doesn't exist Mr. Saavedra." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "What do you mean?" "Ang may-ari ng pangalang Hilary Joyce Magbanua ay labing-walong taon ng patay." Ano bang pinagsasabi niya? Is he insane? "I don't get you. Imposible iyang sinasabi mo!" Ano ba talagang nangyayari? Una nalaman kong pinagtataksilan ako ng babaeng mahal ko tapos ngayon naman sasabihan niyang hindi siya totoo. What the f**k! "Eighteen years ago nang mamatay ang babaeng nagngangalang Hilary Joyce Magbanua sa panganganak. After that wala ng nag-exist pang ganoong pangalan but I found someone, isang taong may mukha ng girlfriend mo pero may ibang katauhan." Wala na akong maintindihan sa mga paliwanag niya. "Just continue explaining everything." Hindi ko na kasi alam kung ano ba talaga ang dapat kong paniwalaan. "It's Joyce Negasariz Villamor, daughter of Mrs. Nadine Negasariz Villamor and Mr. Heneroso Villamor, the present Governor of Manila." Napakunot ang noo ko sa panimula niya. That's imposible, Hilary is an orphan! "Maagang namatay ang nanay niya dahil sa isang car accident. After the death of her mother, his father started to become cold over her. Dahil dito kaya lumaking rebelde at suwail si Joyce. She had a lot of issues while getting older. Bar hopping, cat fights and having different boyfriends. Lumaki siya na sanay sa luho at nakukuha ang gusto dahil sa impluwensya ng pamilya niya. Dahil dito kaya ginagawa niya lahat ng paraan para makuha lamang ang gusto niya. She is a careless type of a woman. Marami na siyang ginawang kalokohan at posibleng isa ito sa mga iyon." How could she do this? "Pero bakit ako? If it is all act at kung kasinungalingan lahat ng sinabi niya sakin, bakit naman niya iyon gagawin? May motibo ba siya? May nagawa ba akong kasalanan sa kaniya?" I know I might sound desperate, pero totoo naman lahat ng iyon. Sinong baliw ang mag-aaksaya ng oras para lamang sa isang walang kuwentang palabas! "Hindi ikaw ang may kasalanan sa kanya Mr. Saavedra....it's your father." Did i just heard it right? "Ano namang nagawa sa kaniya ni dad para gawin niya sa'kin ito?" I have to know the answer. I'm dying to know the answer. "Ang daddy mo ang nakabangga sa sasakyan ng mommy niya kaya ito namatay. Malinaw ang motibo niya sa lahat. Dahil hindi niya kayang maghigante sa daddy mo nang dahil sa edad niya kaya sa'yo niya ibinuhos ang lahat. Sinigurado niyang dadating ang panahon na mararanasan mo ang sakit at hirap na pinagdaanan niya simula ng mamatay ang mommy niya dahil sa kapabayaan ng iyong ama. Napatunayan kasi sa korte na lasing ang daddy mo ng maganap ang aksidenteng iyon, pero dahil maimpluwensya na ang pamilya mo noon pa man at hindi pa naloloklok sa kahit anong posisyon ang daddy niya kaya nakagawa ng paraan ang daddy mo na makalaya. Mukhang planado niya ang lahat. Mukhang pinaikot ka lang niya Mr. Saavedra." After his explanations he showed me all the pictures of Joyce habang kasama nito ang ama. Nakita ko rin ang dokumento ng naganap na kaso noon sa pagitan ng daddy nito at ng daddy ko. Ngayon malinaw na sa'kin ang lahat. He just used me para makapaghigante. Niloko niya ko, ginago at tinarantado! Minahal ko siya ng buong-buo pero ito lang pala ang mapapala ko? Kasinungalingan lang ang lahat. Palabas niya lamang ang lahat. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko para mahulog sa ginawa niyang bitag! Nabulag ako sa lahat ng ipinakita at ipinaramdam niya sa'kin. Sinira niya ko! Winasak niya ang isang Sebastian Briner Saavedra! Pagsisisihan niya lahat ng ginawa niya! Sisiguraduhin ko na luluhod siya sa harap ko para magmakaawa. Ginago niya ko? Puwes bababuyin ko siya! Binasag niya ko? Puwes wawasakin ko siya! Lintek lang ang walang ganti! Humanda ka sa'kin Hilary! End of flashback. Pagkatapos noon ay agad kong ikinasa ang plano kong paghihiganti, and I succeeded. Napapunta ko siya rito sa America at nagawa ko ang gusto ko, but I'm not yet satisfied. Kahit walang nangyari sa kanila ni Jim ay hindi iyon naging pampalubag loob sa akin. Malaki ang ginawa niyang pinsala, hindi lang sa'kin kundi maging sa pamilya ko. It's not yet over, hindi pa ako tapos!

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD