KINABUKASAN, nang magising ang diwa ni Sianna, ramdam na ramdam niya ang p*******t ng kaniyang ulo. Ngunit bukod doon, kung bakit ramdam din niya ang p*******t ng kaniyang katawan. Lalo na ang parteng balakang niya at ang pagitan ng kaniyang mga hita.
Habang nakapikit ang kaniyang mga mata ay natigilan pa ang kaniyang pakiramdam nang may malabong eksena na pilit nagsusumiksik sa kaniyang isipan.
Ang nasasaktan niyang tinig at daing. Ang paghaplos sa kaniyang katawan ng isang lalaki. Ang paulit-ulit na pagbayo sa kaniyang kaselanan. Ang halik na halos magpalunod sa kaniyang nararamdaman.
Ang panaginip na iyon ay para bang totoong totoo
Sandali… panaginip? Panaginip nga lang ba ang lahat ng iyon?
Ganoon na lamang ang pagmulat ni Sianna ng kaniyang mga mata. Bahagyang kadiliman ang bumungad sa kaniyang paningin.
Binundol nang malakas na kaba ang kaniyang dibdib.
Ang nakabibinging katahimikan sa loob ng silid na iyon ay nagdudulot lalo ng tensiyon na kaniyang nararamdaman.
Kikilos sana siya nang maramdamang mayroong nakadagan na mabigat na bagay sa kaniyang mga hita. Hindi siya makakilos.
Lalong napigil ni Sianna ang kaniyang paghinga nang unti-unti niyang ipaling ang kaniyang mukha sa may gilid niya.
Muntik pa siyang mapasigaw nang may makitang lalaki na mukhang malalim ang tulog sa kaniyang tabi. Agad niyang naitakip ang mga kamay sa kaniyang bibig upang pigilan ang pagkawala ng kahit na ano mang ingay mula roon.
Halos manlaki ang mga mata ni Sianna. Halos tumalon na palabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog niyon sa kaniyang dibdib.
Hindi siya makapaniwala na mayroon siyang kasamang estranghero sa silid na iyon.
Pero paanong nangyari na may kasama siya roong lalaki?
She was drunk last night. At aminado siya sa bagay na iyon.
Halos hindi na niya maalala kung paanong may lalaki sa kaniyang suite.
Daig pa niya iyong nangapal ang pakiramdam dahil sa kaalaman na naibigay nga niya ang kaniyang sarili sa isang lalaki at hindi iyon isang masamang panaginip lamang.
Halos manginig pa ang mga kamay niya nang medyo iangat niya ang makapal na comforter na nakabalot sa kanilang katawan.
Halos manlaki na naman ang mga mata niya nang makita ang kaniyang kahubdan sa ilalim ng comforter.
Ano’ng ginawa mo sa sarili mo, Sianna! sigaw niya sa kaniyang isipan.
Isang malaking kabaliwan ang ginawa niya.
Iningatan niya ang kaniyang sarili habang karelasyon si Wil. Pero sa isang iglap, mawawala ang iningatan niyang p********e ng dahil lang sa kalasingan.
At kahit na ano pa ang iiyak niya, wala na, naibigay na niya ng ganoon na lang ang kaniyang sarili sa isang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya kilala.
Nang muli niyang tingnan ang lalaking natutulog sa kaniyang tabi, ang pinakapakonsuwelo na lamang yata niya sa kaniyang sarili ay ang kaguwapuhan niyong tinataglay. Totoong mas lamang ang kaguwapuhan niyon sa kaniyang ex na si Wil.
That bastard.
Sianna! Get back to your senses! hiyaw naman ng isang bahagi ng kaniyang isipan sa kaniya.
Saka lang siya nagbawi ng tingin at buong ingat na inalis sa kaniyang hita ang isang binti ng lalaking nakadantay pa roon.
Nakahinga siya nang maluwag nang hindi ito magising.
Sunod niyon ay buong ingat din siyang bumaba sa kama. Mariin pa niyang nakagat ang kaniyang ibabang-labi dahil sa kirot na naramdaman sa pagitan ng kaniyang mga hita.
Kung puwedeng hilingin na sana ay isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito ay ginawa na niya.
Nasa proseso pa siya ng pag-mo-move-on dahil sa ginawang kahayupan ng kaniyang fiancé at stepsister. Pero ano itong mas malaking problema na ginawa niya?
Alam niya, hindi ito dahil gumaganti siya kay Wil.
No!
Ang pagganti sa parehas na paraan ay isang kahangalan.
Pero nangyari na.
Nakakapanghina ng pakiramdam. Naibigay niya ang sarili sa isang hindi kilalang lalaki. At wala rin siyang balak na kilalanin kung sino ito.
Buong ingat nang kuhanin niya ang kaniyang nahubad na kasuotan. Kailangan niyang makaalis doon bago pa magising ang naturang lalaki.
“Asan na ‘yon?” mahina pa niyang anas habang hinahanap sa sahig ang kaniyang underwear.
Iyon na lamang ang kailangan niya. Nakuha na rin niya ang kaniyang bag. At naisuot na ang kaniyang high heels. Sinilip pa niya ang ilalim ng kama.
“Ito ba ang hinahanap mo?”
Ganoon na lamang nang mapaiktad si Sianna buhat sa pagkakaluhod sa may sahig na nalalatagan ng carpet.
May narinig ba talaga siyang boses?
Lalong lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib.
Napalunok siya. Pagkahinga niya nang malalim ay unti-unti siyang nag-angat ng mukha sa pinanggalingan ng suwabeng boses na iyon.
Saka lang niya nakita ang lalaking kasama sa suite na iyon na nakaupo na sa kama at hawak sa kamay ang kaniyang hinahanap. Ang kaniyang panty!
Nanlaki ang mga mata niya.
“How dare you?!” she hissed.
Agad siyang tumayo at lumapit dito upang agawin ang kaniyang panty nang iiwas naman nito ang kamay na may hawak doon.
At kapag minamalas-malas ka nga naman, dahil sa pagmamadali niyang makuha ang kaniyang panty ay na-out of balance pa siya at muntik pang mapasubsob sa hubad na dibdib ng lalaki.
Napalunok si Sianna.
At nang makabawi ay patulak pa nang lumayo siya rito.
“Akin na ‘yan,” muli ay asik niya na tiningnan pa ito ng masama. Lalong nag-init ang pakiramdam ni Sianna nang makitang hawak nito ang panty niya.
“Is that how you behave?” taka pa nitong tanong.
Bagay na bagay lamang rito ang pag-e-English nito. Tipong hindi trying hard.
“Wala akong panahon para makipagkuwentuhan sa iyo,” aniya na muling inagaw rito ang kaniyang panty. At sa pagkakataon na iyon ay naagaw niya iyon dito. Hindi na naman iyon inilayo pa sa kaniya ng lalaking estranghero.
Saka lang niya nakita na may abs iyon at maganda ang katawan. At ngayong gising na iyon, mas lalo niyang nakita ang kaguwapuhan niyong tinataglay.
Iyong kaguwapuhan ng lalaking kaharap niya ay may pagka-dangerous looks. Ganoon pa man, hindi siya nagpasindak. Hindi ito cute o guwapo lang.
Dangerously handsome, ganoon niya itong i-di-describe.
Oh, f**k, Sianna. Nagagawa mo pa talagang purihin ang lalaking kaharap mo habang nagsusuot ka ng underwear mo! saway pa niya sa kaniyang sarili sa kaniyang isipan.
Nang maisuot ang kaniyang panty ay umakma na siyang aalis. Pero napahinto siya sa akmang paglalakad nang marinig ang boses ng lalaking kasama sa loob ng silid na iyon.
“And where do you think you’re going?” he demanded.
Nang balingan iyon ni Sianna ng tingin ay halos magsalubong ang mga kilay niyon.
Bakit sa kabila ng pagkakakunot ng noo nito ay kay guwapo pa rin nitong tingnan?
Hot, ganoon niya itong i-di-describe.
“Oh,” bulalas niya nang may maisip. Binuksan niya ang kaniyang bag at kumuha roon ng cash. Kapag kuwan ay inilapag sa kandungan nito. “Okay na siguro ‘yan. Tutal naman, wala akong maalala sa nangyari sa atin kagabi.”
Pagkasabi niyon ay nagmamadali ng umalis sa suite na iyon si Sianna.
Pagkalabas niya sa pinto ay naagaw pa ng kaniyang tingin ang room number ng suite na kaniyang pinanggalingan.
Kumunot ang kaniyang noo. Kapag kuwan ay mabilis niyang kinuha ang kaniyang key card para tingnan.
At ganoon na lamang ang gulat na bumakas sa kaniyang magandang mukha nang makitang ibang room number ang nakalagay roon.
Kung ganoon, nasa maling suite siya?
For real?!
Nananakit man ang pagitan ng kaniyang mga hita ay nagawa pa rin niyang lisanin ang lugar na iyon para hanapin ang dapat ay suite na kaniyang papasukan kagabi.
Nanghina ang buong pakiramdam ni Sianna nang makita at makapasok siya sa suite na dapat ay siyang tutuluyan niya gamit ang kaniyang key card.
Nang makarating sa may kama ay bigla na lamang siyang napaiyak dahil sa katangahan niya. Napunta siya sa ibang suite. May nakatabi siyang lalaki sa kama at naibigay niya rito ng walang hirap ang kaniyang p********e.
Pakiramdam niya, pinagsakluban lalo siya ng langit at lupa.