Chapter 8: Make Love THIRD PERSON'S P.O.V Alas otso ng gabi na bago nakauwi sila Heaven galing mall at restaurant. Masyado silang natagalan sa labas kaya naman inabot na sila ng gabi bago makauwi. Habang papasok si Heaven sa loob ng mansyon ay ininda na ni Heaven ang sakit ng binti niya dahil sa maghapong paglalakad sa mall. "Does your feet hurt?" Primo asked worriedly. Hindi na nagawang sumagot ni Heaven dahil nagulat na lang siya ng maramdaman niyang umangat ang katawan niya dahil bigla na lang siyang binuhat ng lalaki sa bisig nito. Walang nagawa si Heaven kundi ang kumapit sa leeg ng lalaki dahil sa princess carry na ginawa ng lalaki sa kanya. Umakyat sila sa second floor ng mansyon gamit ang elevator kaya naman ng makarating sila sa tapat ng kwarto ni Heaven ay binaba rin siya